Mga ideya para sa tahimik na Bagong Taon

Sinong may sabi na kinakailangan ng ingay at paputok kapag Bagong Taon?

Cheers

Here's to the 365 days that passed, and the 365 days that lie before us! Source: rawpixel.com from Pexels

Maingay ang Bagong Taon sa Pilipinas, at kahit may mga patakaran at batas ukol sa paggamit ng paputok, nakakahanap pa rin ng paraan ang mga tao na gamitin ang mga ito.

Sa Australya naman, mas tahimik ang selebrasyon, ngunit ibig sabihin din nito ay natatapos ng mga tao ang taon na kumpleto ang mga daliri nila.

Kung isa ka sa mga taong nagnanais ng tahimik na selebrasyon bago magsimula ka muling pumasok sa opisino, ito ang ilan sa mga ideyang maari mong gawin nitong Bagong Taon:

1. Mag-video chat kasama ang mga mahal mo sa buhay.
video call
You may be apart, but you'll still be ending a year and starting another together. Source: rawpixel.com from Pexels
Masarap tapusin ang isang taon at umpisahan ang isa pa kasama ang mga mahal mo sa buhay.

Habang ang distansya ang pumipigil sa'yong humalik sa nanay mong nasa Pilipinas sa pagsapit ng alas dose ng umaga, maari kayong magdiwang ng Bagong Taon ng sabay.

2. Magbalik-tanaw.
2018
Look back on the year that was. Source: Pexels
Magbalik-tanaw sa 2018 sa paggawa ng time capsule o photo book kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.

3. Netflix at chill (literally).
watching
Netflix and (literally) chill with the cooling on. Source: JESHOOTS.com from Pexels
Masarap at masayang manood ng paborito mong palabas o pelikula kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan. Kaya manatili na lamang sa bahay at manood ng TV habang nakabukas ang aircon at tumitindi ang init sa labas.

4. Magkaroon ng game night.
game night
Game on! Source: Pixabay
Habang maraming mga tao ang naglalaro na lamang ng mga games sa kanilang mga telepono, mas espesyal pa rin ang pagkakaroon ng game night gamit ang mga board games.

5. Kumain at uminom.
drink
Eat, drink and be merry; for tomorrow, we diet. Source: Lisa Fotios from Pexels
Mawala na ang watusi, triangle, fountain at torotot, huwag lang mawala ang kainan at inuman.

Kaya kumain at uminom hanggang sa gusto mo. Bukas naman mag-uumpisa na ang dyeta mo (sana).

BASAHIN / PAKINGGAN DIN


Share

Published

By Nikki Alfonso-Gregorio

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga ideya para sa tahimik na Bagong Taon | SBS Filipino