Karagdagang budget para mahikayat ang mga skilled workers sa regional areas

Ang karagdagang pera na ilalaan ng gobyerno ay sinasabing makakatulong na mahikayat ang mga migrante na manirahan sa mga lugar na malayo sa mga pangunahing lungsod.

Msongamano wa watu mtaani

Msongamano wa watu mtaani Source: AAP Image/Dean Lewins

Maglalaan ng halos $20 milyon ang pamahalaang Morrison sa susunod na apat na taon para sa mga "outreach activities" at "enhanced" visa processing upang hikayatin nag maraming migrante na manirahan malayo sa mga pangunahing lungsod. 

Ang karagdagang budget, na inanunsyo sa Mid-Year Economic and Fiscal Outlook noong Lunes, ay gagamitin para makapagtayo ng Regional Migration Hub at pagpapalawig ng special migration programs para matulungan ang mga employer na makakuha ng mga skilled workers. 

May isasantabi rin para sa "enhanced" visa processing para sa regional areas.

Online visa system funding

SISImulan din ang "design and initial procurement" ng bagong digital system, kung saan gagastos ang gobyerno ng higit $72.3 milyon.

Nauna nang inanunsyo ng gobyerno ang 10-taong proyekto, upang makahanap ng kumpanya na magnanais mag-invest para buuuin ang online system na maghahawak ng mga visa applications.  

Tinutulan ito ng Labor at ng mga unyon sa dahilang ang hakbang na ito ay magdudulot ng kawalan ng maraming trabaho at banta sa seguridad sa pagsusuri ng mga aplikasyon. 

“The systems will improve visa decision making by departmental staff and allow for the better identification of risks in the visa caseload.”

Share

Published

Updated

By James Elton-Pym, Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand