Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Tina-track ng Google ang iyong mga galaw at di mo ito mapipigilan

Ayon sa isang imbestigasyon, marami sa Google services sa Android at Apple devices ay kinukuha ang iyong location data kahit na baguhin mo ang privacy settings.

A mobile phone user

This image is for representative purpose only Source: AAP

Nais ng Google malaman kung saan ka pumupunta kung kaya't inirerekord nito ang iyong mga pinupuntahan kahit na baguhin mo man ang privacy settings sa iyong telepono. 

Napag-alaman sa imbestigasyon ng Associated Press na karamihan sa Google services sa Android at Apple devices ay kinukuha ang iyong location data kahit na baguhin mo ang privacy settings para mapigilan ito. 

Kinumpirma ito ng mga computer-science researchers sa Princeton, sa kahilingan ng AP. 

Ipinaaalam naman ng Google ang paghingi nito ng permiso sa paggamit ng iyong location information.

Ang isang app na katulad ng Google Maps ay bibigyan ka ng paalala na makuha ang iyong lokasyon kung gagamitin mo ito sa pagkuha ng direksyon sa mapa. Kung pumapayag ka na i-rekord ang iyong lokasyon, ipapakita ng Google Maps ang mga lugar na iyong pinuntahan sa isang timeline base sa iyong mga pinuntahan araw-araw.  

Ang pag-rekord ng iyong mga pinuntahan ay may dala ring panganib at ito rin ay ginagamit ng pulisya upang malaman nila ang lokasyon ng mga suspek-tulad ng isang warrant ng pulis  sa Raleigh, North Carolina, na si-nerve nila sa Google noong nakaraang taon para mhanapa ang mga devices na malapit sa pinangyarihan ng isang pagpatay. Kung kaya't maaari mong i-"pause" ang naturang setting sa Location History. 

Sinabi ng Google na ito ay magpipigil sa kumpanya na malaman kung saan ka nagpunta. Nakasaad sa support page ng Google na: "You can turn off Location History at any time. With Location History off, the places you go are no longer stored."

Subalit hindi ito totoo. Kahit na naka-pause ang iyong Location History, ang ilang Google apps ay awtomatikong kumukuha ng time-stamped location data anumang oras. 

Halimbawa, nakukuha ng Google na mag-store ng isang snapshot kung saan ka naroon kapag binuksan mo ang Maps app. Ang mga daily weather updates sa Android phones ay tinutukoy ang kasalukuyan mong lokasyon.

A mobile phone user
This image is for representative purpose only Source: AAP

Ang isyu sa privacy ay nakakaapekto sa dalawang bilyong gumagamit ng devices na may operating system na Android at daan-daang milyong iPhone users na ginagamit ang Google para sa mga mapa o internet search. 

Ang pag-store ng data na labag sa preference ng isang user ay hindi tama, sabi ni Jonathan Mayer, isang computer scientist at dating chief technologist para sa US Federal Communications Commission's enforcement bureau. 

Isang tagapagsaliksik mula sa Mayer's lab ay nagkumpirma ng mga natuklasan sa imbestigasyon ng AP sa karamihan ng Android devices. Nagsagawa ang AP ng sarili nilang tests sa iPhone. 

"If you're going to allow users to turn off something called 'Location History,' then all the places where you maintain location history should be turned off," sabi ni Mayer. "That seems like a pretty straightforward position to have."

Sinabi ng Google na malinaw ang lahat ng ito. 

"There are a number of different ways that Google may use location to improve people's experience, including: Location History, Web and App Activity, and through device-level Location Services," sabi ng isang tagapagsalita ng Google sa isang pahayag.

"We provide clear descriptions of these tools, and robust controls so people can turn them on or off, and delete their histories at any time."

Para matigil ang Google sa pagkuha ng mga location markers, sinabi ng kumpanya na maaring i-off ng mga user ang isa pang setting, na sinasabing hindi makakakuha ng location information. Ito ay tinawag na "Web and App Activity" at gumagana nang default. Ang setting na ito ay nagtatabi ng mga impormasyon mula sa Google apps at websites sa iyong Google account. 

ALSO READ


4 min read

Published

Updated

Presented by Roda Masinag




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now