Ang grupo ng mananaliksik sa St Vincent's Clinical School at University of New South Wales na pinangungunahan ni Professor Richard Day ay naghahanap ng mga paraan upang maayos ang pangangasiwa ng gout at mapabuti ang kailidad ng buhay ng mga taong nakakaranas ng mge serye ng gout.
Ayon kay Professor Day, ang Gout ay isang klase ng rayuma na nakakaapekto ng mga taong may mataas na antas ng uric acid sa kanilang mga dugo. Ang uric acid ay maaring magbuo ng mga mukhang karayom na bubog sa kasukasuan dahilan upang maging masakit, pula, mainit at namamaga ang kasukasuan. Ang mga sunod-sunod na sakit at pamamaga ay tinatawag na gout attack.

The uric acid can form needle-like crystals in a joint, and the joint can suddenly become very painful, red, hot and swollen. Source: Getty images
Paano alamin kung ito ay gout at hindi ibang klase ng rayuma
Ayon kay Ginoong Day, ito ay malamang na gout kung ang isang tao ay may kasaysayan ng mataas na uric acid sa dugo at may namumula, mainit at napakasakit na kasukasuan, tipikal sa ilalim ng malaking daliri ng paa o sa ibang bahagi.
"It's an incredibly painful condition commonly felt at the base of the big toe or it can be in other places [of the feet] as well."
"To be sure about the diagnosis, you need to get fluid out of a joint, look at it under a microscope, and there's a special form of lens that tells us absolutely that this is caused by uric acid crystals which have formed and which are irritating the joint greatly," dagdag niya.
Bakit may mataas na uric acid ang isang tao sa kanilang dugo?
Sinabi ni Professor Day dahilan ng mataas na uric acid ang genetiko, klase ng pamumuhay tulad ng gawi sa diyeta, alkohol at paninigarilyo.
"Some people may have high uric acid in their blood, but may not have a gout attack. Things like drinking alcohol, eating seafood or not drinking enough water may trigger a gout attack."
Dagdag niya, ang mga taong may matagal ng mataas na lebel ng uric acid ay maaring magkaroon ng gout attack ng paulit-ulit kung hindi mapapanatiling normal ang uric acid at kung wala mang atake, ang matagal na pagkakaroon ng gout ay maaring makasira ng kasukasuan at bato kung hindi nagamot.

Drinking alcohol, smoking, eating too much seafood or oily food and not drinking enough water may trigger a gout attack. Source: Getty/SBS Filipino
Ang gout ay isang karaniwang problema sa kalusugan
Sinabi ni Ginoong Day, lumabas sa isang konserbatibong estimate na isa sa animanpung tao na bumisita sa GP ang na-diyagnos ng gout.
Dagdag niya na kadalasang naaapektuhan ng gout ang mga lalaki partikular na ang mga matatandang lalaki, ngunit maari din itong tumama sa mga batang lalaki. Maari din kapitan ng gout ang mga kababaihan na nasa yugto ng menopause.
"The numbers are quite surprisingly high, we think somewhere between 300,000 and half a million of our fellow citizens and it's mainly men."
Paggamot at pagpigil sa Gout
Sinabi ni Professor Day na sa lahat ng rayuma, ang gout ay isang klase ng rayuma na maaring mapigilan at maggamot kung mapapangasiwaan ng maayos.
Mayroong epektibo at ligtas na medikasyon upang mapababa ang lebel ng uric acid
Ang Uric acid ay mapapanatiling normal o maaring kontrolahin ang gout kung ang mga medikasyon ay iniinom sa tamang dosis kada araw.

Source: Photo by rawpixel on Unsplash
Bumuo ng mga gawi na nakakabuti sa katawan
Ang isang diyeta na tumutulong mapababa ang lebel ng uric acid sa katawan ay mahalaga at makakatulong sa pagpigil ng pagkasira sa mga kasukasuan.

Does eating superfoods keep us more active and healthy than other foods? Source: Getty Images
Dapat ay turuan at suportahan ng mga GP ang mga pasyente sa tamang pangangasiwa ng gout upang sila ay kumiling sa mga paggamot.
Bisitahin ang iyong GP para sa regular na check-up at pagsusuri ng dugo.

Health check-ups are important to identify potential risk factors. Source: Getty Images
App para sa pag-aaral ng gout
Sinabi ni Professor Day na sa nakaraang tatlumpung taon, nakatuon ang kanilang pokus sa pag-uunawa sa mga paggamot ng gout at kung paano mapapabuti ang kanilang mga epekto. Ngunit upang gumawa ng pagkakaiba sa mas malaking iskala, panahon na upang ipaabot sa komunidad ang kanilang pananaliksik.
"We are very excited about this app, as it is a new way of helping people with gout. It is a personalised addition to the treatment to help them manage their gout."
"The app was designed in collaboration with GPs and people having gout, and has been successfully tested in a pilot study. Its effectiveness will now be tested in a large clinical research study," dagdag niya.
Kung nagkaroon ka ng gout attack sa huling 12 buwan, at may smartphone o iPad o kahit anong tablet device, sumali sa gout study.
Upang malaman kung ikaw ay maaring sumali, pumunta sa My Gout App.com at ipahiwatig ang interes sa pamamagitan ng pag-click at pagsagot sa isang maikling screening survey o tumawag sa 1800 931 544 para sa mas maraming impormasyon.