Magpapatupad ng mga bagong kondisyon sa bisa upang piliting mamalagi ang mga bagong migrante sa mga regional areas

Inaasahang ipahayag ng pamahalaan ang mga bagong reporma sa bisa upang piliting mamalagi sa regional areas ang mga bagong migrante.

Immigration to Australia, Migration to Australia, Australian Work Visa

تحديثات فيروس كورونا: نيو ساوث ويلز تبدأ في التعافي وفيكتوريا تعاني Source: Pexels

Nakatakdang ipahayag ng pamahalaang Morrison sa Martes ang matagal nang ipinangakong pagbabago sa regional sponsorship visa, na magpipilit sa mga bagong migrante na mamalagi sa regional areas nang mas matagal bago sila makalipat sa Sydney o Melbourne. 

Ang hakbang na ito ay nagmula sa pagnanais ng gobyerno na matugunan ang paglago ng populasyon sa mga mataong siyudad habang sinusubukan din nitong dagdagan ng tao ang mga regional areas na nangangailagan ng mas maraming manggagawa. 

Ang bagong hirang na ministro ng cities and population na si Alan Tudge, ay detalyadong tatalakayin ang mga "congestion-busting" na mga hakbang sa kanyang pahayag sa Melbourne sa Martes.

Ano ang mababago?

Isa sa kondisyon ng visa ay kinakailangang maniranahan sa labas ng mga lungsod nang hanggang limang taon, sinabi ni Mr Tudge sa ABC Radio bago ang kanyang pahayag. 

Hindi tinukoy ng mistro kung may kaukulang parusa sa sinumang lalabag sa mga kondisyon. 

“Nearly every visa has some conditions attached to it,” sabi niya.

Ang magic number

Nang tanungin siya kung ang Australya ay may kaukulang target sa populasyon, sinagot ito ni Mr Tudge at nagsabing hindi naman kinakailangang magtakada ng "eksaktong bilang."

Sinabi niya na kinakailangan lang na "kontrolin ang pagtaas ng populasyon" at paghandaan ang mga anunsyo sa paglalagay ng high-speed train lines sa susunod na taon.

Anong mga lugar ang napapabilang sa 'Regional Australia'?

Tumanggap ng halos 4,766 skilled workers sa regional areas ang bansa noong taong 2016-2017, ngunit halos kalahati ay namalagi sa Perth. Noong Nobyembre, tinanggal na ang Perth bilang "regional destination" ngunit nasa listahan pa din ang darwin, Adelaide, Canberra at Hobart

Narito ang listahan ng postcodes na kabilang sa 'Regional Australia.' 

 

Regional AustraliaPostcodes
inclusive
New South Wales
except Sydney, Newcastle, the Central Coast and Wollongong
2311 to 2312
2328 to 2411
2420 to 2490
2536 to 2551
2575 to 2594
2618 to 2739
2787 to 2898

 

Queensland
except the greater Brisbane area and the Gold Coast
4124 to 4125
4133
4211
4270 to 4272
4275
4280
4285
4287
4307 to 4499
4515
4517 to 4519
4522 to 4899

 

Victoria
except Melbourne metropolitan area
3211 to 3334
3340 to 3424
3430 to 3649
3658 to 3749
3753,
3756
3758
3762
3764
3778 to 3781
3783
3797
3799
3810 to 3909
3921 to 3925
3945 to 3974
3979
3981 to 3996

 

Western Australia
except Perth and surrounding area
6041 to 6044
6083 to 6084
6121 to 6126
6200 to 6799

 

South AustraliaEntire State
TasmaniaEntire State
Northern TerritoryEntire Territory 
Note: none of the Australian Capital Territory is included. 

ALSO READ

Share

Published

Updated

By James Elton-Pym, Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand