Mandatory na pagsusuot ng mask sa Greater Sydney

Inaatasan ang mga nasa Greater Sydney (kabilang ang Wollongong,Central Coast, Blue Mountains) na magsuot ng mask sa loob ng mga supermarket, shopping centers, sinehan, teatro, pampublikong sakayan, beauty salon, gaming area at simbahan.

Father helps daughter with mask -  Getty Images - Morsa

Source: Getty Images - Morsa

Mula Lunes, ika-4 ng Enero, pagmumultahin ng $200 ang hindi magsusuot ng mask. Ang mga batang edad 12 pababa ay hindi obligado pero hinihikayat ng awtoridad ng NSW na sumunod ang lahat. Mandatory din ang pagsusuot ng mask sa mga  nasa hospitality at casino.

Ang mga dadalo sa simbahan, kasal o libing ay limitado sa 100 tao at dapat sumunod sa one-person per four square meter rule. Ang mga gym classes ay limitado sa 30 tao habang ang mga nightclubs ay ipinagbabawal na.

Ang mga protesta o pagtatanghal sa labas ay hanggang 500 tao lamang at ang seated, ticketed at saradong outdoor gatherings ay hanggang 2000 tao ang papayagan.

 

Tingnan ang mga alituntunin sa inyong estado at teritoryo:


 

 

Panatilihin ang distansya na 1.5metro sa bawat isa at alamin ang gathering limit sa inyong lugar. Kung nakakaramdam ng anumang sintomas, kaagad tumawag sa doktor at magpa-test o tumawag sa Coronavirus Health Information Hotline 1800 020 080. Ang mga balita at impormasyon ay mababasa sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus.


Share

Published

Updated

By SBS Radio
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mandatory na pagsusuot ng mask sa Greater Sydney | SBS Filipino