Ang Fair Work Ombudsman (FWO) ay kasalukuyang may hawak na higit sa $2.5 milyon na trust para sa humigit-kumiling 10,000 katao na hindi nabayaran ng tama ng kanilang dating employer.
Sinabi ni Fair Work Ombudsman Sandra Parker na ang compliance at enforcement activities nila ay regular na nakakakita ng mga kaso ng underpayment sa parehong kasalukuyan at dating emplayado.
"If an employee is owed money but has left the business and can't be located, these entitlements are held in trust until we are able to find them," sabi niya.
"We make extensive efforts to locate underpaid former employees, using internal investigation records, government public resources, social media and online tools."
Mula noong 2010, nakakalap ang Fair Work Ombudsman ng halos $2 milyon sa unclaimed wages sa may higit 1,800 na empleyado.

Source: Getty Images
Isang matagumpay na kaso ay ang kwento ng dating security guard na napatay. Ang pamilya nito ay nakatanggap ng mahigit $21,000 sa unpaid wages at entitlements.
"Many workers leave their jobs without even knowing that they were underpaid so all workers should check whether they are entitled to unclaimed wages," sabi ni Ms Parker.
Mga migranteng empleyado ang madalas na mabiktima ng underpayment
Bagaman ang mga migranteng empleyado ay binubuo lamang ng anim na porsyento sa Australian workforce, 18 porsyento ng mga reklamo na natanggap ng FWO ay kinasangkutan ng mga emplayado na may visa, sabi ng tagapagsalita nito sa SBS Italian.
Sa pagitan ng 2016-17, ang mga migranteng empleyado ay nasangkot sa 49 na porsyento ng mga kaso sa korte na sinimulan ng Fair Work ombudsman.
Sa buong taon ng 2016-17 lamang, ang FWO ay nakakuha ng halos $2 milyon sa underpaid wages at entitlements para sa mga migrante at overseas workers at nakakuha din ito ng mahigit $4.4 milyon sa penalties na ipinataw ng korte sa mga kaso na kabilang ang mga may hawak ng bisa, ayon sa tagapagsalita ng FWO.
"With an average entitlement around $250, anyone who thinks they may have been short-changed in a former job should visit the FWO website to make a claim," sabi ng tagapagsalita. .

An employee arranges apples at a Woolworths Ltd. supermarket in Sydney, Australia Source: Photographer: Brendon Thorne/Bloomberg
Mga links:
Bisitahin ang website para malaman kung makakakuha ka ng unclaimed wages o tumawag sa Fair Work Infoline sa 13 13 94.
Ang Pay and Conditions Tool (PACT) na matatagpuan sa Fair Work Ombudsman website www.fairwork.gov.au, kung saan makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa sweldo, shift, leave at redundancy entitlements.
BASAHIN DIN