Nagsimula ang lahat sa araw-araw na commute papuntang unibersidad ng Co-Founder ng HoMie na si Nick Pearce, sa layuning mabigyan ng solusyon ang problema ng homelessness.
Ang clothing brand na Homie ay nagdo-donate ng 100% ng kanilang kita para sa mga homeless sa Australya.
Ang tindahan na matatagpuan sa kalye ng Brunswick ay nag-aalok ng VIP shopping days sa mga taong naninirahan sa kalsada, upang mapasagana ang komunidad.
“We close the shop to the general public and invite a homeless service to bring their clients in to shop for free, and choose five items at their own discretion,” sabi ni Nick.
“The idea is a real dignified shopping experience.”

HoMie's store on Melbourne's Brunswick Street. Source: Supplied
“I went on a fundraising bike ride for anti-child trafficking where I met Marcus riding from Vietnam to Cambodia, sabi ni Nick.
“I wanted to replicate something back home and that’s why I decided to focus on homelessness.”
Target ng kumpanya na matulungan ang 43,500 katao na nasa edad na 25 pababa na nakararanas ng kawalan ng tirahan sa buong bansa.
Tatlong taon ang nakalipas, nabuo ng grupo ang ethical at sustainable na brand na gawa sa Australya, na may flagship store sa Melbourne.
Ang naging unang hakbang nila ay makilala nang karamihan para masimulan ang kampanya na magpopondo sa kanilang negosyo.
“We did a crowdfunding campaign and that’s where we did a few stunts. Marcus and I lived rough for two nights and had I think $5.00,” sabi ni Nick.
Habang kinikilala ni Marcus at Nick na hindi maihahambing sa tunay na buhay ang tunay na dinaranas ng isang taong walang tirahan, sinabi nila na isang napakasalimuot na karanasan ang naging inspirasyon nila upang maitaguyod ang kanilang layunin.

Nick Peace and Marcus Crook during their sleep out to raise funds for their crowdfunding campaign Source: Supplied
Ang crowdsourcing campaign ay nakalikom ng $20,000, kung saan nakapagsimula sila ng pop-up space noong 2014, na nagbigay-daan sa kanilang flagship store noong 2017.
They use the space to tackle homelessness two-fold, with 100% of sales supporting people who live on the street, but also by offering their Pathway Project seeing paid interns learn job skills.
“I used to be very shy with talking and it’s definitely helped me in being confident. I’ve used this internship as a stepping stone and for myself to get out there and to learn more,” sabi ni Sean, isang intern sa HoMie.
Ang employment program nila na tinatawag na Pathway Project, ay may dalawang intake kada taon kung saan tatlong HoMie interns ang kalahok sa anim na buwang training.
Kasama sa internship ang bayad na trabaho, on-the-job experience sa flagship store ng HoMie, at accredited learning sa pamamagitan ng Knowledge Space para makakuha ng Certificate III sa Retail Operations.
Ang mga graduating interns na nagtapos noong 2017 ay nakahanap ng makabuluhang trabaho at patuloy na sinusuportahan ang kanilang sarili.

A HoMie employee serves a customer Source: SBS
“We see dramatic results and that’s what makes it all worthwhile. To see people develop and come out the end of it self-sufficient to take on the world, it’s rewarding”, sabi ni Marcus.
Share
