'Hooyah!': Mga emosyonal na eksena matapos mailigtas ang mga bata at ang kanilang coach

Marami ang natuwa nang makalabas ang pinakahuli sa 12 bata at ang kanilang soccer coach matapos ang tatlong araw na rescue mission sa kweba sa Thailand.

Ang huling limang miyembro ng koponan ng football ay na-rescue mula sa binahang kweba sa Thailand matapos silang ma-trap sa loob ng mga ilang araw, at matapos ang kahanga-hangang "against-the-odds" na rescue mision na umani ng atensyon sa buong mundo. 

Sinabi ng Navy Seal ng Thailand sa Facebook na ang natitirang apat na batang lalaki at ang kanilang 25-year-old na coach ay nailigtas noong Martes ng gabi. 

Walo sa mga batang lalaki ang nailagtas ng mga Thai at banyagang divers noong nakaraang Linggo at Lunes. 

"This is an important event in my life. It is something I will remember," sinabi ni Rachapol Ngamgrabuan, isang opisyal sa Chiang Rai's provincial press office.

"There were times when I cried," dagdag niya. "Happy. Very happy to see all Thai people love each other."
Onlookers celebrate in Chiang Rai.
Jubilation greeted the news that the final rescuers had also emerged unscathed from the Thai cave. Source: AAP
Nagtapos nang matiwasay ang mahigit dalawang-linggong matinding pagsubok ng "Wild Boars" at ng kanilang coach, na nagsimula nang ma-trap sila sa binahang Tham Luang cave sa border ng Myanmar noong Hunyo 23.

Natagpuan ng dalawang British divers ang 13 noong Lunes ngunit ang search and rescue operation ay isinagawa ng elite Navy Seal unit ng Thailand.

'Hooyah!' Mga eksena ng kagalakan

Ang mga taga-Thailand ay nanatiling tutok sa kanilang mga telebisyon, mobile phone, at kompyuter habang sinusubaybayan ang bawat pangyayari sa mga na-trap sa kweba, tulad ng maraming tao sa ibang bansa. 

Ikinatuwa ng karamihan sa buong bansa nang mabalitaan na ang huling apat na lalaki at ang kanilang coach ay nailigtas na. 

Sa hilagang lungsod ng Chiang Rai, bumusina ang mga kotse sa kalsada at nakibahagi rin ang mga nananinirahan sa komunidad sa pagpo-post ng selfie upang ipakita kung nasaan sila nang mangyari ang kamangha-manghang kaganapan.

Maraming taga-Thailand ang bumaling sa social media noong Martes upang ipakita ang kanilang kasiyahan gamit ang hashtag #Hooyah, na ginamit ng navy upang mapaigting ang morale.

A handout photo made available by Thai Navy SEAL facebook page on 10 July 2018 shows the last four of Thai Navy Seals members.
A handout photo made available by Thai Navy SEAL facebook page on 10 July 2018 shows the last four of Thai Navy Seals members. Source: AAP
Ang ibang hashtag na ginamit ay #Heroes and #Thankyou. 

"You are our heroes!" sinulat ng marami, na may cartoons na ipinakita ang mga bata at ang kanilang coach kasama ang ilang dosenang rescue workers, volunteers at military personnel.  

Noong Lunes, sinabi ni Prime minister Prayuth Chan-ocha na magho-host siya selebrasyon para sa mga nakilahok sa multinational rescue effort. 

"We will host a meal for all sides," sabi ni Prayuth.

Ilang mga negosyante sa Thailand kabilang ang Central Group at The Mall Group ay nagpakita din ng kanilang suporta. 

"We are not sure if this is a miracle, a science, or what. All the thirteen Wild Boars are now out of the cave," sinabi ng Navy Seal sa kanilang official page matapos ang pag-rescue. 

Ang mga naging kaganapan at mga pagsubok sa pagrescue ay umani ng atensyon sa buong mundo, na nakakuha din ng suporta mula kay US president Donald Trump, football star Lionel Messi at tech guru Elon Musk. 

"On behalf of the United States, congratulations to the Thai Navy Seals and all on the successful rescue of the 12 boys and their coach from the treacherous cave in Thailand," ayon sa tweet ni Trump. "Such a beautiful moment - all freed, great job!"

Ang Manchester United football club sa Britain ay nagpakita din ng suporta sa kanilang Twitter page at nagsabing ikinagagalak nila ang balita na ligtas na ang 13 na-trap at inimbita pa nila ang grupo at mga rescuers na bumisita sa Old Trafford stadium.

Impossible to possible

Ang pag-rescue ay kinabilangan ng mga taga-Thailand at iba't-ibang ahensya sa ibang bansa. 

Ang mga awtoridad ay nagmungkahi na mag-drill ng mga butas sa bundok o maghintay pa ng ilang buwan hanggang matapos ang pag-ulan, habang ang rescue chief ay halos sumuko na at nagsabing napakaimposible gawin ang misyon. 

Dahilan sa pagbaba ng kanilang oxygen sa mapanganib na antas, patuloy na pag-ulan at pangamba ng pagbaha sa kweba kung saan na-trap ang mga bata, napagpasyahan ng mga rescuers na ang natitirang opsyon ay ang paggamit ng mga divers upang mailabas sila sa mga tunnel.
The "Wild Boar" football team and their coach became trapped in a cramped chamber of the Tham Luang cave complex on June 23.
The "Wild Boar" football team and their coach became trapped in a cramped chamber of the Tham Luang cave complex on June 23. Source: SBS News
Ang ruta para mailabas ang mga bata ay isang hamon maging sa mga eksperto - isang dating Thai Navy Seal diver ang namatay nang maubusan sya ng oxygen sa binahang parte ng kweba noong bYernes habang sinusubukan niyang ihanda ang ruta na daraanan ng mga magre-rescue. 

Karamihan sa mga bata ay hindi marunong lumangoy at walang marunong mag-dive sa kanila, kung kaya't kinailangan silang turuan ng mga nag-rescue kung paano gagamitin ang mask at huminga sa ilalim ng tubig sa pamamagitan ng oxygen tank.

Binawi ng rescue chief ang kanyang naunang pahayag at inilarawan niya ang pag-rescue na "Mission Possible."

Binigyan ng minor tranquilizer ang mga batang ni-rescue

Isa sa mga pangamba sa ginawang pag-rescue sa kanila ay baka mag-panic ang mga bata habang lumalangoy, kahit na may kasama silang diver. 

Ibinunyag ni Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha noong Martes na binigyan ng ilang gamot ang mga bata upang tulungan silang manatiling kalmado. 

"It was a minor tranquiliser to prevent (the) boys from being anxious," sabi ni Prayut sa mga reporters.

Mental, pisikal na pagsubok

Ngayong nakalabas na sila, nakatuon naman ang pansin sa mental at pisikal na pagsubok na kakaharapin ng mga nailigtas. 

Sinabi ng mga eksperto na ang pag-inom ng kontaminadong tubig o pagka-expose sa mga dumi ng ibon at paniki sa kweba ay maaaring magdulot ng mga mapanganib na impeksyon.
The first four boys are rushed to hospital after their ordeal.
The first four boys are rushed to hospital after their ordeal. Source: EPA
Sinabi rin nila na makakatulong ang counselling upang harapin ang psychological trauma matapos ma-trap at malagay sa panganib ang kanilang mga buhay. 

Ngunit mayroong mga magagandang palatandaan. 

Inireport ng mga medical chief noong Martes na ang walong batang nailigtas ay nasa magandang mental at pisikal na kondisyon. 

"All eight are in good health, no fever... everyone is in a good mental state,"  sabi ni Jedsada Chokdamrongsuk, permanent secretary ng  public health ministry, matapos ma-rescue ang 13.

Gayunpaman, ang mga batang lalaki ay mananatili naka-quarantine sa ospital hanggang matiyak ng mga doktor na walang nakuhang impeksyon ang mga bata sa pagkaka-trap sa kweba.

Hindi manonood ang mga bata ng World Cup sa Russia

Nagpadala ng imbitasyon ang FIFA sa mga bata upang mapanood ang World Cup nang live sa Russia - subalit hindi makakapunta ang koponan sa finals sa Linggo dahil sa mahigpit na quarantine measures. 

Ang mga batang Thai, na may edad na 11 hanggang 16, pati na ang kanilang coach, ay inimbitahan sa World Cup noong Biyernes, ngunit malamang na sila ay nasa isolation pa, sabi ni Permanent Secretary of Ministry of Public Health, Dr Jessada Chokedamrongsook sa isang press conference.

Ang mga bata ay malamang na manonood na lamang sa telebisyon, sabi niya.

Mga reaksyon mula sa mga lider ng Australya

Pinuri ng senior Australian government ministers ang nasabing pag-rescue, at nagsabing "Thai authorities have demonstrated outstanding leadership".

Isang joint statement mula kay Foreign Minister Julie Bishop, Defence Minister Marise Payne at Home Affairs Minister Peter Dutton ang nagsabing ang internasyonal na kooperasyon ang naging susi sa pagsagip.

"Under the leadership of the Royal Thai Navy Seals, rescue crews from Australia, China, the United Kingdom and the United States have worked in close partnership to ensure the safe return of the boys and their coach," sabi sa pahayag.
"Australia has played an integral role in this unprecedented operation.  We congratulate all of those involved, including Dr Richard Harris and his dive partner Craig Challen, as well as our Australian Federal Police divers and personnel from the Australian Defence Force and Department of Foreign Affairs and Trade who provided logistics and planning expertise.  

"Australia has been proud to work with Thailand and other countries to achieve this extraordinary outcome. "

- Additional reporting by AFP. 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag
Source: Reuters, SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand