Walang magulang ang nais makatanggap ng tawag na ang kanilang anak ay na-aresto ng mga pulis. Ngunit kung ito man ay mangyari, maaaring hind ito kasing-sama ng iyong iniisip.
Ang unang bagay na dapat malaman ay ang sistema ng hustisyang kabataan sa Australya ay nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan at paglago sa halip na parusa. "It's about acknowledging that they can make mistakes, but it's also aimed at giving them a chance to move on from any behaviour that's causing them and others harm," paliwanag ni Anoushka Jeronimus, program manager ng Youth Crime program sa Victoria Legal Aid.
Ang sistema ng hustisya ng mga kabataan ay magkaiba sa bawat estado ng Australya, ngunit mayroon silang mga bagay na karaniwan. Isa dito ay ang mga bata may edad 10 pababa ay walang pananagutan para sa isang krimen.

Source: Getty Images
Kumuha ng abogado sa pamamgitan ng tulong ligal
Ang unang kontak ng mga bata sa sistema ng hustisyang kabtaan ay sa pamamagitan ng pulis.
Kung ang isang bata ay na-aresto, sila ay kakausapin ng mga pulis. Kung sila ay may edad 14 pababa, kailangan ay may presensya ng magulang o tagapag-alaga. Kung sila ay sa pagitan ng 14 at 17, maaari silang mag-desisyon kung sino sa mga matatanda ang nais makasama. Maaring miyembro ng pamilya, isang abogado, kaibigan nasa edad 18 pataas o isang youth worker.
Sinabi ni Jeronimus, mahalaga para sa bata o kanilang pamilya na humiling makipag-usap sa isang abogado bago magsimula ang panayam. Maaring kumuha ng abogado sa pamamagitan ng ligal na tulong ng estado.

Policeman questioning witnesses during crime investigation. Source: Getty Images
"Some of the things that the lawyer will do when they speak to the young person are check how they are, explain the court process to them and the police process. They will explain what the charges are against them. They will give them advice about the court process. They will explain to them what their legal options are. They will explain or give them advice about the strength of the police case against them,” paliwanag niya.
Kung kailangan ng bata o ng magulang ang isang tagasalin, maaring humiling mula sa opisyal ng pulis. Hindi magsisimula ang panayam hangga't di dumating ang tagasalin. Maari din magsalita ang mga tagasalin sa ligal na tulong at sa korte.
Ano ang susunod na mangyayari
Kung nakaggawa ng krimen ang isang bata sa unang pagkakataon at hindi naman ito gaanong seryoso, maaring bigyan lamang sila ng pulis ng babala.
Ngunit makakadesisyon din ang pulis kung sila ay kakasuhan. Ibig sabihin makakatanggap sila ng summon upang magpakita sa isang korte ng mga kabataan. Kung seryoso naman ang mga kaso at ang bata ay isang panganib sa komunidad, sila ay pwedeng dalhin ng deretso sa kustodiya at haharap sa korte sa sumunod na araw.
Kung hindi ka hihiling ng isang abogado sa panayam, kailangan pa rin kumuha ng isa para sa korte. Kung wala ka namang oras na gawin ito, posible na humiling ng isang abogadong nasa tungkulin pagdating mo sa korte.
Kapag nasa korte na, maaring ibigay ang magkaibang sentensya depende sa krimen na nagawa. Pwedeng diversion, serbisyong komunidad, multa o maging detensyon. Ngunit ang detensyon ang huling dulugan.

An attorney discusses evidence with his client in a courtroom. Source: Getty Images
Si Katherine McFarlane ay ang Associate Professor sa Centre for Law and Justice at Charles Sturt University. Sinabi niya na ang sistema ay dinisenyo upang hindi makulong ang mga kabataan:
"That doesn't mean no punishment. It just means that custody is known to create worst problems. The research shows that if you're a child, the earlier you become involved in the justice system, the earlier you go to court and the earlier you get sent to custody, the worst things are going to be for you. You're less likely to stop offending, less likely to get the help you need and more likely to go on and become an adult offender."

Source: Getty Images
Saan makakakuha ng tulong?
Kung ikaw o ang iyong anak ay papasok sa sistema ng hustiyang kabataan, makipag-ugnay sa isang abogado sa pamamagitan ng ligal na tulong ng iyong estado sa lalong madaling panahon.
BASAHIN DIN: