Settlement Guide: Paano idaos ang ANZAC day

Bago ka ba sa Australya? Madalas ay hindi iniuugnay ng mga taong may ibang kultural na pinagmulan ang ANZAC day at ang komemorasyon nito sa kanilang sariling mga kultura. Ngunit ang mga kasaysayan ng di mabilang na mga kultura ay konektado sa alamat ng ANZAC simula noon.

Lest we forget

Lest We Forget ... Source: SBS

Noong World War I ay hindi pinansin ng maraming katutubong Australyano at ibang mga boluntaryo na di taga Europa ang pagbabawal na inilagay sa kanilang enlistment, sa halip ay patuloy na pumirma sila para sa serbisyo.

Katutubong Anzacs

Ang pagpapakilala  ng Commonwealth Defence Act noong 1909, ay naghiwalay sa mga hindi taga Europa mula sa pagserbisyo sa hukbo. Ngunit mayroong mahigit 1,000 katutubong Australyano sa pwersa ng Australya sa panahon ng WW1 sa labas ng mahigit 80,000 na populasyong katutubo.
Private Miller Mack
Studio portrait of 2949 Private Miller Mack, 50th Battalion. The image has come to be symbollic of Indigenous Australians contribution to the ANZAC war effort Source: Australian War Memorial


Para sa ilang mga katutubong Australyano ito ay pagkakataong kumita sabi ng lalaking Gundungurra at pambansang presidente ng Aboriginal and Torres Strait Islander Veterans and Services Association na si Gary Oakley. Gyaunpaman, ang pag-asa ng ma katutubong Australyanong sundalong itaas ang kanilang estado sosyal ay hindi nangyari hanggang 1949 nang ang mga restriksyon sa enlistment base sa pinagmulan ay tinanggal.

Instik-Australyanong Anzacs

Hindi din pinansin ng mga Australyano mula sa Asyanong pinagmulan ang akto, ang layunin nito ay para siguruhin na mananatili ang Briton o puting kolonyal na karakter nito. Isa sa sundalong nakilala ay si William Sing kung saan ang tatay niya ay lumipat dito mula sa Shanghai.

“Billy Sing, the most famous Gallipoli sniper, got pretty lousy land on which he could not really make a living. He died pauper.” – Professor Edmund Chiu, Melbourne Chinese Museum
Billy Sing
Source: Wikimedia/Public Domain
Basahin

Rusyanong Anzacs

Ang mga Rusyanong Anzac ay ang pinakamalaking nasyunalidad na nagpalista sa pwersang Australyano pagkatapos ng mga naglingkod na Briton, taga New Zealand at Canada. Sila ay nagmula sa iba't-ibang etnikong pinagmulan sa pagitan nga mga border ng Rusyanong imperyo.

 
Russia 1914
Source: Wikimedia/Shilahov CC BY 3.0


Maraming mga migranteng Jewish ang nakatakas mula sa Russia dahil ayaw nilang maglingkod sa hukbo ng Russia sabi ni Dr Elena Govor mula sa Asutralian National University.

Paano idaos ang ANZAC Day

tradisyon tuwing ANZAC

Ang ANZAC day ay mahigit pa sa anibersaryo ng paglapag sa Gallipoli noong 1915. Ito ang araw kung saan ating naaalala ang lahat ng mga Australyano na naglingkod at nagpakamatay sa digmaan at sa mga operasyong serbisyo.
ANZAC Remembrance
Source: Pixabay/Public Domain

Dawn service

Idinadaos ang mga commemorative services sa madaling araw- ang orihinal na paglapag sa Gallipoli- sa buong nasyon.

Image

Mga Martsa

Nagma-martsa din ang mga dating tagapaglingkod at mga kababaihan sa mga pangunahing siyudad at sa maraming maliit na sentro.
ANZAC Day Parade
Source: AAP/Rob Griffith
Two-up
 Ang Anzac Day ay ang isang araw sa taon kung saan maaaring legal na maglaro ng two-up.
ANZAC Two-up
Source: Getty Images
Para sa mas maraming impormasyon sa mga tradisyon ng Anzac Day bisitahin ang website ng Australian War Memorial https://www.awm.gov.au o ang website ng Department of Veterans' Affairs para sa mga detalye ng seremonya sa Australya at sa buong mundo.

Para sa mga martsa sa Anzac Day bisitahin ang RSL NSW para sa Sydney at RSL Victoria para sa Melbourne.

 

Makinig sa SBS Filipino 10am-11am

Sundan kami sa Facebook


Share

Published

Updated

By Ildiko Dauda
Presented by Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand