Paano mas maging aktibo sa pag-aaral ng iyong anak

Ang pagiging mas aktibo sa pag-aaral ng iyong anak ay mayroong positibong epekto sa kanilang grado at kalusugan. Ating tingnan saan maaring magsimula.

How to get involved in your children's school?

Source: Getty Images

Lumabas sa pananaliksik na kung ang mga magulang ay mas aktibo sa pag-aaral at edukasyon ng kanilang mga anak, mas nakakakuha ang mga bata ng magandang resulta, tumatagal sa paaralan at nagiging masaya.

Sinabi ng presidente ng Australian Parents Council na si Shelley Hill ito din ay may benepisyo sa mga magulang: “It can help you to form new friendships, understand how the education system works here in Australia and see how your child is going and fitting in so you can ask questions at home."
We're very proud!
Source: Getty Images
Hindi hinihikayat ang mga magulang na maging aktibo sa edukasyon ng kanilang mga anak kahit saan sa mundo, ngunit sinigurado ni Shelley Hill na ito ay mas tinatanggap ngayon sa loob ng bansa.

"In Australia, schools and teachers are very welcoming of parents. They really want to know your family and your child so that they can work well with them and together with you in a good partnership. It's something that's really strong here in Australian schools," paliwanag niya.

Maging 'available' sa iyong bahay

Bago pumunta sa paaralan, simulan sa pamamagitan ng pagiging 'available' para sa iyong mga anak sa bahay. Tanungin sila kung kumusta ang kanilang araw sa paaralan at kung ano ang kanilang mga natutunan. Magpakita ng interes at paghihikayat tungkol sa kanilang mga nakamit.

Mas mabuti kung tumulong sa gawaing bahay ng anak, ngunit kung hindi man, maaari pa rin tingnan kung ano ang kanilang ginagawa at mga libro sa paaralan. “Supporting their child to find a quiet space to complete homework is also really useful. We all know that might not be possible because some home environments are too crowded, too small or too noisy so it's a good time to seek out the school library or the local library. Homework or study support clubs or family learning clubs can be a fantastic resource," sabi ni Lauren Ireland, Education Project officer ng Centre for Multicultural Youth.
Hispanic mother watching son practicing writing alphabet
Hispanic mother watching son practicing writing alphabet Source: Getty Images
Mahalaga din na hikayatin ang mga kabataan na panatilihin ang kanilang unang wika. "Reading and sharing stories with their children is extremely valuable, and this doesn't have to be in English for it to be beneficial. It can be reading books in their own home language or they can be just telling stories from their own culture. Even picking up a book that has English language and just discussing the pictures, what's happening and making predictions. It’s all really supporting their child's education," sabi ni Ireland.

Maging aktibo sa paaralan

Kung ang wika ay hadlang sa pagiging aktibo sa pag-aaral ng iyong anak, maaaring makipag-ugnay sa tauhan ng paaralan at humiling ng isang taga-salin.

"Attending parent-teacher interviews and requesting an interpreter in advance is a great way to find out where the child is at with their education. They can ask the teacher question, if there are extra things they need to be doing at home, just to gauge the areas they need to improve on. Even if they can't help with these areas, they can at least be discussing them with their child," sabi ni Ireland.
Happy Parent and Student at Teacher Parent Meeting
A teacher discusses his student's accomplishments with her father during a conference at school. Source: Getty Images
Habang ang mga pagkikita ng magulang at guro ay mahalaga, mayroong ilang paraan upang maging aktibo sa pag-aaral ng iyong anak. Maaaring sumali sa mga pagpupulong o mag-boluntaryo sa kantina, sa silid-aralan o sa mga ekskursyon ng paaralan.

Kung natatakot, maaaring dalhin ang iyong ka-pares o ang iyong kaibigan. Ang mahalaga ay simulan ang unang hakbang; ikaw susuportahan ng mga guro at tauhan ng paaralan.


Share

Published

Updated

By Audrey Bourget
Presented by Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Paano mas maging aktibo sa pag-aaral ng iyong anak | SBS Filipino