Paano gumawa ng perpekto at natural tingnan na mga kilay

Tanggapin na nating mga babae, nais natin magkaroon ng mga perpekto at natural tingnan na mga kilay ngunit minsan, kahit na gaano natin ito subukan, hindi natin ito nakakamit. Isa sa mga problema ay maaaring dahil hindi natin ito ginagawa ng tama.

"kilay is life!" ito ang sikat na linya na ating naririnig online kasama ang mga hashtag. Ibig sabihin nito na ang bawat babae ay nais lumabas ng bahay na may suot na perpektong mga kilay. Ngunit karamihan sa mga oras, ang pagsubok na makalikha ng mga perpektong kilay ay nagdudulot sa kapahamakan dahil sa mga maling hugis at linyang ginuguhit natin sa ating mga kilay kabilang na dito ang maling paggamit ng kulay.

Upang mapigilan ang sinasabing 'eyebrow disaster,' nakabuo kami ng mga simpleng hakbang sa paglikha ng malambot at natural tingnan na mga kilay sa tulong ng make-up artist mula sa Melbourne na si Joy Go.

Habang ang mga YouTube at mga make-up tutorial video ay maaaring makita online, hinihikayat ni Joy Go ang lahat ng mga babae na maging awtentik." Hindi lahat ng nakikita natin sa Youtube and Google ay ganun and then ma-didisappoint lang tayo if we try to copy that and hindi natin makuha so I don't really recommend na gayahin talaga yun in detail so just practice."

7 simpleng hakbang sa natural tingnan na mga kilay

Simulan sa pamamagitan ng pagsuklay ng malinis na mga kilay gamit ang isang spoolie brush sa isang pataas na galaw upang makita ang mga natural na hugis ng mga kilay.

brush the eyebrows on an upward motion
Source: JCZC Photography


Ilagay ang brush sa gilid ng ilong upang makita kung saan eksaktong nag-uumpisa ang mga kilay.

put the brush along the side of your nose
Source: JCZC Photography

I-anggulo ang brush sa labas ng ilong papunta sa panlabas na sulok ng mata upang makita saan nagtatapos ang kilay. Kung saan nagtatapos ang brush, hanggang doon lang dapat ang guhit ng kilay.

Angle the brush from the outside of your nose
Source: JCZC Photography

Punan ng lapis ang mga lugar na walang buhok. Piliin ang kulay na tugma sa mga kilay at punuin ng magaan upang hindi magmukhang makapal. Kung posible, gumamit ng kulay na malapit sa kasalukuyang kulay ng mga buhok upang makalikha ng magaang mga kilay.

Fill in eyebrow sparse
Source: JCZC Photography

Suklayin ang mga kilay ng spoolie brush upang matimpla ang kulay at lumambot ang mga makapal na linya.

Brush through brows
Source: JCZC Photography


Upang maayos at malagay sa lugar ang mga buhok, suklayin gamit ang gel.

comb through brows with gel
Source: JCZC Photography


Isawsaw ang isang make-up brush sa isang transluscent powder o concealer at ilagay sa palibot ng mga kilay upang magmukhang malinis.

smudge powder or concealer
Source: JCZC Photography


 

SUNDAN ANG SBS FILIPINO SA FACEBOOK.

BASAHIN DIN:


 

 

 


Share

Published

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand