Pagdating sa pagprotekta sa iyong sarili at sa iyong kapareha, narito ang ilang katotohanan na kailangang malaman tungkol sa pananatiling ligtas:
Ano ang mga pangunahing impeksyon na maaaring makuha sa pakikipag-talik (sexually transmitted infections)?

Source: Pixabay
Kabilang sa mga STI ang chlamydia, syphilis, gonorrhoea, genital warts, genital herpes, thrush at pati na rin ang HIV at hepatitis. Ipinapayo ng Healthdirect na ang mga sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik (sexually transmitted diseases) ay maaaring maipasa sa panahon ng vaginal sex, anal sex at oral sex, at pati rin sa pamamagitan ng paglapat o pagdikit ng pag-aari at pagdidikit ng mga balat sa balat sa isang nahawaang kapareha.
Ano ang mga karaniwang sintomas ng STI?

Source: Pixabay
Marami sa mga sexually transmitted infection ay hindi kinakailangang magpakita ng mga sintomas. Halimbawa, ang pinaka-karaniwang uri ng STI sa Australia ay ang chlamydia, na karamihan ng naaapektuhan ay mga kabataan, gayumpaman, tatlong-kaapat ng mga kaso ng chlamydia ay nananatiling hindi nasusuri dahil ang mga tao ay hindi madalas na kakakitaan ng anumang sintomas. Datapuwa't ito ay madaling gamutin, sa pamamagitan ng isang dosis ng antibiotics.
Kung kaya mahalaga na regular na bisitahin ang iyong doktor para sa mga pagsusuri para sa kalusugang sekswal - kahit na sa tingin mo ikaw ay kinakabahan. Walang dahilan upang matakot - sila ay mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan at andiyan sila upang tumulong.
Ang STI ay nakakaapekto rin sa mga matatandang Australyano

Source: Wikimedia Commons
Dahil lang sa wala ka na sa edad na hindi na magkaka-anak, hindi nangangahulugan na ikaw ay hindi na tatalaban ng mga STI. Ipinapakita ng pinakahuling Australian Study of Health and Relationships ang mga tao na nasa mga edad na 60 ay regular na nakikitapagtalik at ang mga kaso ng chlamydia sa grupong ito ay tumaas ng 190 porsiyento sa nakalipas na dekada, ayon sa National Notifiable Diseases Surveillance System. Kaya mahalaga na anuman ang iyong edad, dapat na kumilos upang manatiling ligtas.
Paano ko malalaman na mayroon akong STI?

Health check-ups are important to identify potential risk factors. Source: Getty Images
Walang ibang paraan na malaman kundi magpapasuri. Kung sa tingin mo na maaaring ikaw ay mayroong impeksyon mula sa pakikipagtalik (sexually transmitted infection), dapat mong bisitahin ang iyong GP, ang iyong lokal na family planning clinic o sexual health centre.
Hindi mo kailangan ng Medicare card upang bumisita sa isang sexual health centre para sa isang pagsusuri o sexual health check-up.
Paano makakaiwas na mahawaan ng STI?

Source: Pixabay
Ang paggamit ng kondom kapag nakikipagtalik ay maaaring lubos na makabawas sa panganib ng STI. Iminumungkahi ng mga propesyonal sa kalusugang sekswal na daoat gumamit ng kondom sa bawat pakikipagtalik, kabilang ang vaginal, anal o oral sex.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa sexually transmitted infections (STI) maaaring magtungo sa Healthdirect.
Mga serbisyo ng tagapagsalin ng wika
Maaaring magamit ang mga serbisyo ng mga tagapagsalin sa pamamagitan ng telepono at mismong sa mga lokasyon ng tagapagsalin sa pamamagitan ng Translation and Interpreting Service ng Pamahalaang Australya.
Ang 24/7 na hotline ng agarang tagapagsalin ay 131 450. Ang klinik na inyong binisita ay maaaring maglaan ng isang tagapagsalin o on-site interpreter upang samahan kayo sa inyong appointment kung kinakailangan.