Si James Patrick Miller na kilala bilang Patty Miller ay ngayon namumuhay sa ilalim ng masusing pagsisiyasat ng publiko pagkatpos sumali sa Married at First Sight Season 5. "I've stayed the same but my world has changed" sabi ng 34 anyos na binata.
Si Patty na dati ng kinasal sa totoong buhay ay kinasal din sa Sri lankan brand mananger na si Charlene Perera sa eksperimentong palabas sa telebisyon. Natapos man agad ang kwento ng pag-ibig ng dalawa ngunit patuloy ang pagkuha ni Patty sa puso ng libo-libong kababaihan sa buong mundo at nag-akit pa ng sumisigaw na 86,000 followers sa instagram sa loob lamang ng ilang araw ng pagiging online. Salamat sa kanyang 'nice guy' na personalidad na inaming namana mula sa Pilipinong dugo nito.
Ang ma-intrigang buhay ni Patty
Inilarawan ang sarili bilang isang family-oriented na lalaki, ang ina ni Patty na si Ruby Miller ay isang tipikal na inang Pilipina 'protective' kumbaga. Sa paglaki nito, naging ma-impluwensiya sa kanya ang mga ideya at opinyon ng ina bagaman sa huli ay siya pa rin ang nagde-desisiyon kung sino ang nais nitong i-date. “Ultimately it’s up to me in the end about who I go out with. But yeah I'd like to have my mother's acceptance."
Ika nga nila 'mothers know best' at base sa karanasan ni Patty, sa huli ay laging tama ang ina niya."Yeah, basically she likes the ones that cook and clean for me. She's got the old school mentality. Mum does have that old traditional look on who I should be dating. We've got really different views on that."

Ruby Miller and Patty Miller on MAFS. Source: Patty Miller ig/ channel 9 MAFS
Ang ina ni Patty, tulad ng ibang mga magulang sa mundo, ay nais lamang ang kabutihan para sa anak; isang tao na matagumpay, isang tao na may edukasyon, isang tao na magpapalakas ng loob nito na maging isang mabuting tao.
Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang buhay sa limelight. Nagustuhan ni Patty na ito ay nagbukas ang maraming oportunidad para sa kanya pagkatapos ng MAFS ngunit ikinakatakot din niya ang mga panahon kung saan ang mga duhapang potograpo ay kumukuha ng mga 'dodgy' na litrato upang magbenta ng mga hindi mabuting kwento tungkol sa kanya. "I've got no qualms with going up and telling them off. I try to be friends with everyone. Work together with me otherwise I don't want to work with you" sabi ni Patty.
Prangkang inilalarawan ang totoong kasal bilang "Pilipinong bersyon ng Britney Spears na kasal", Nagsama si Patty at ang kanyang dating asawa ng sampung buwan lamang. Dahil sa mga di-maayos na pagkakaiba sa pagitan niya at ng dating asawa hinggil na rin sa ama, tinapos nila ang pagsasama at magkahiwalay na tinahak ang buhay. Natutunan ni Patty ang isang mahalagang aral mula sa kanyang unang kasal, "you need to find someone that is very understanding of your culture, your upbringing, but I find that Filipinos, they can adapt to any culture. We are a very adaptable race.”
Binigyang-diin din ni Patty ang kahalagahan ng mg kahirapan sa isang relasyon dahil ang pagkakaroon nito ay isang mabuting paraan upang masubok ang totoong pagkatao ng isang tao. "How someone reacts to a hardship. That's when I can judge someone because if everything is going well you don't know what a person's like."

Patty Miller and Charlene Perera on MAFS. Source: Patty Miller ig/ channel 9 MAFS
Tradisyonal vs Modernong pakikipag-date
Pinalaki ng mga Pilipinong lolo at lola na parehong konserbatibo pagdating sa pakikipag-date, nirespeto ni Patty ang konsepto na ito ng mga Pilipino ngunit mas naging lantad ito sa modernong pamamaraan.
Ang tradisyonal na panliligaw sa Pilipinas ay inilarawan bilang mas malambot at hindi direktang paraan kumpara sa kulturang Western. kabilang dito ang mga yugto na likas sa kulturang Pilipino tulad ng pagkanta ng mga romantikong awitin o paghaharana, pagbigkas ng mga tula, pagsulat ng mga liham, pagbigay ng mga regalo. Ang paraang ito ay umaabot pa sa mga miyembro ng pamilya ng babae at ang konsepto ng pagsasama sa isang bubong sa labas ng kasal ay hindi pinapahintulutan. Samantala ang pakikipag-date sa kulturang Western ay inilarawan bilang kaswal at direkta kung saan maaaring kabilang ang pakikipagtalik o ang pagsasama sa isang bahay sa unang pagkakataon na maaaring magpatuloy sa kasal, paghihiwalay o mabilis na pagpalit ng kapareha. Walang epekto ang tradisyonal na pakikipag-date sa kanyang perspektibo lalo pa't siya ay lumaki sa Australya at nakasanayan ang paraan ng lipunan. "I respect the concept of Filipino dating but I did not do that."
Paghahanap ng pag-ibig mula sa mga 'dating' apps
"I think a lot of temptation comes into play these days especially with internet dating. People are just so accessible. And I've seen a lot of things happen to my friends. People are tempted very easily, unfortunately. I guess it’s the downfall of being so accessible on social media and internet dating" sabi niya.
Popular na ang mga 'dating' apps ngayon. Sa isang pindot, maaaring nasa isang relasyon ka na.
Inaamin ni Patty na pagkatapos ng kanyang unang kasal ay sinbukan na ang pakikipag-date sa internet ngunit ito ay tumigil dahil hindi niya mabigyan ng atensyon ang mga babaeng nakikilala online. "When I didn't talk to them and give them the time they deserved they sort of got a little bit upset. So I just stopped talking altogether."
Maaaring masaya ang sumubok ng internet dating ngunit mayroon din itong panganib na dala. Inilarawan ni Patty ang ganitong klase ng pakikipag-date bilang "it's very superficial, if you look good on the photos you are on a good chance on matching with people. Hopefully you don't find anyone that's a bit 'katok'."
Habang hindi niya inirekomenda ang paggamit ng mga 'dating' apps upang maghanap ng kapreha sa buhay, naniniwala siyang ang sekreto sa isang matagumpay na relasyon ay nakadepende sa isang matatag na suporta mula sa mga kaibigan at pamilya. "With any relationship or friendship or group, you need to have a really good support network behind you it’s really hard to do things by yourself. Having the right people around you for a relationship, you need to speak to people about it. Get some advise but ultimately, just be careful."

Pixabay (Creative Commons) Source: (Creative Commons)
Kasalukuyang status: Single? In a relationship? It's complicated?
Oo, siya ay laging 'on the quest to find the right one' ngunit ang eligibleng binata ay hindi pa handang makipag-date sa ngayon. Gayunman, kung mabangga ang hinahanap, siya ay umaasa na ito ay magiging maunawain, bukas, tapat at tatanggapin ang kanyang emosyonal at sensitibong personalidad.
Mga aral na nakuha mula sa pag-ibig
Iminungkahi ni Patty na mahalaga na pag-isipan ng ilang beses ang isang relasyon bago ito pasukin kung hindi ay baka pumasok ka lamang sa isang gulo.
"Keep your eyes and ears open, listen to the advise that people give you, but ultimately don't let their opinions drive what you gonna do. It's up to you what you wanna do in the end because you know what makes you happy" sabi ni Ginoong Miller.
BASAHIN DIN:
READ MORE

Pagpapanatiling matatag ang samahan