Ilang paraan para makatipid sa susunod mong pagbisita sa doktor

Hindi na dumadaan sa GP ang maraming Australyano dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa pangangalaga sa kalusugan. Para sa mga hindi makakakuha ng bulk-billing, may iba pang paraan upang makatipid ng pera.

People wait in seats at a health clinic in front of a graphic showing a red arrow pointing upwards, a female doctor with a stethoscope and Australian money

Out-of-pocket costs remain a significant barrier to accessing health care in Australia.

Key Points
  • Ipinapakita ng datos na ang krisis sa gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay ay nag-uudyok sa mga Australyano na hindi na magpa-check-up doktor.
  • Kahit patuloy ang pagtaas ng mga pagbisita sa GP na may bulk-billing, may iba pang paraan upang makatipid ng pera sa mga konsultasyon.
  • Iminungkahi ng isang doktor sa Sydney ang mas komprehensibong check-up, remote prescription renewals, at mga konsultasyon sa telepono.
Dumarami ang mga Australyano na nagpapaliban ng mga medical check-up at pumipili na pumunta sa mga emergency ward sa ospital sa halip na magpatingin sa mga general practitioners.

Ito ay sa gitna ng krisis sa gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay na nagreresulta sa mga tao na isaalang-alang ang ilang desisyon tungkol sa pangangalaga sa kalusugan.

Inilabas ng gobyerno ang datos ngayong linggo na nagpapakita na ang bilang ng mga pagbisita sa GP na may bulk-billing ay umakyat ng hanggang 2.1% mula nang naging triple ang mga insentibo para sa mga doktor na tanggapin ang mga ganitong uri ng appointment noong Nobyembre.

Resulta na pinuri ni Health Minister Mark Butler at sinabing: "a win all round — for patients, doctors and the health system".

Sa parehong panahon, gayunpaman, umakyat ang average na gastusin sa pangangalaga sa kalusugan sa buong bansa ng mga 2.8%.

Ang gastos sa medikal at ospital na mga serbisyo ang pangunahing mga nakatulong dito, na umakyat ng higit sa 4.5% sa unang quarter ng taong ito.
Ito ay nangangahulugan para sa mga hindi makakakuha ng bulk-billing GP, o mga hindi sakop sa bagong hakbang ng pamahalaan, ang mga malalaking gastos ay nananatiling balakid sa pag-access sa pangangalaga sa kalusugan.

At ito ay nagdudulot ng mga nakababahalang epekto sa mga taong nabubuhay sa mahigpit na badyet.

Nadiskubre ng data mula sa Australian Bureau of Statistics noong Nobyembre na ang proporsyon ng mga taong nagpahayag na ang gastos ay isang dahilan para sa pag-aatubiling dumalo sa GP kapag kinakailangan ay nadoble noong 2022-23 kumpara sa 2021-22.

Sa survey naman mula sa Australian Institute of Health and Welfare noong Nobyembre, nakita na isang ikatlong bahagi ng mga respondent na kailangang makita ang isang dental professional ang nagpaliban din dahil sa gastos.
OutOfPocketCosts.png
Source: SBS
Inilarawan ni Dr Rebekah Hoffman, isang GP mula Sydney, ang ganitong pangyayari na nakababahala.

"When people come to you and say, 'I need to decide between going to the dentist or paying for petrol,' it's a really, really worrying time," sinabi ni Hoffman sa SBS News.

Aniya, ang iba ay direktang pumupunta sa mga emergency room ng ospital nang hindi na dumadaan sa konsultasyon sa doktor upang makatipid.

"Four per cent of patients who would normally see their GP are going to the hospital instead and sitting in emergency," she said.

"That's expected to increase to about 11 per cent over this year, which means the ED is being filled with people that could be seen by their GP instead. And the number one driving factor for that is cost."

Paano makakatipid sa pagbisita sa doktor?

Para sa mga may alalahanin sa pagbayad ng mga check-up sa kalusugan o pagbisita sa GP, inirerekomenda ni Hoffmann ang ilang madaling paraan upang bawasan ang gastusin.

Ang una sa mga ito ay ang hanapin ang isang doktor sa malapit na lugar na nag-aalok ng bulk-billing, ibig sabihin ang buong gastos ng konsultasyon ay saklaw ng Medicare.

Ang Cleanbill ay isang website na tumutulong sa pagkonekta ng mga pasyente sa isang doktor na may bulk-billing o mababang gastos sa kanilang lugar.

Para sa mga hindi naninirahan sa ganitong lugar, o hindi makakakuha ng bulk-billing service, may iba pang paraan upang makatipid ng gastos.

"Save up all of your questions for the one visit," Hoffmann said.
"So you need to go to your GP to get your pap smear done? Also get your blood pressure checked, get your regular routine heart check done, get your skin check done, get everything that you need to get done for that next 12 months in that visit. And if you don't know what those things are, your GP can tell you."

Para sa mga pasyenteng may pinananatiling gamot at alam na kailangan magpatingin sa GP, inirerekomenda ni Hoffmann na gawin ang proseso online.

Ibig sabihin ang gastos ng pagbisita sa doktor ay maaaring umabot ng $20 kaysa $90 para sa piling konsultasyon.

Bukod dito, ang mga may iniinom na gamot ay maaaring makakuha ng mas mabusising reseta upang maiwasan ang pagbabalik-balik sa doktor para sa pagpapa-renew.

"There's a list of about a hundred regular medications. If you are on one of those, we can actually prescribe it (the medicine) for 12 months now rather than just for six, which means you need to see me half as frequently as you used to."
Sa huli, binanggit ni Hoffmann ang telehealth — isang serbisyo na nagbibigay ng mga remote na konsultasyon sa mga nangangailan para sa kanilang pangkalusugan — bilang isang mas ekonomikal na opsyon na hindi kinakailangang magkaroon ng pisikal na check-up.

Sa ganitong kaso, nakakatipid ng oras ang mga pasyente.

"Out of pocket you will often be paying the same (for a telehealth appointment) as if you did go in to see your GP, but what's different is your time."

"You can do it on your lunch break, you can do it before work, you can do it just after you've dropped the kids to school. You don't necessarily have to take time off work to go in for that doctor's visit. So that's where the real cost saving is."

Para sa iba pang kuwento, bisitahin ang Cost of Living Secrets — isang bagong serye ng podcast mula sa SBS, na pinangungunahan nina Ricardo Gonçalves at Peggy Giakoumelos. Sila ay nagsisiyasat sa lugar kung saan maaaring makatipid ang mga mamimili kasama ang isang eksperto sa larangan. Mula sa mga supermarket hanggang sa upa, nutrisyon hanggang sa gasolina at marami pang iba, alamin ang iba't ibang diskarte, at higit sa lahat, kung ano ang maaari mong gawin upang makatipid.

Sundan ang Cost of Living Secrets sa SBS Audio App, Apple Podcasts, Spotify, o kahit saan man.

Share

Published

By Gavin Butler, Peggy Giakoumelos, Ricardo Goncalves
Presented by Martin Tuano
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand