Kahanga-hangang Pilipina: Maria Teresa Abadilla binigyan ng bagong kahulugan ang pamantayan ng kagandahan

Nais ng bawat babae ang kuminang sa sariling maliit na paraan, nais ng bawat babae ang mag-iwan ng marka. Ito ang layunin ng CEO at Founder ng Frontline Foundation na si Maria Teresa Abadilla, palakasin ang mga modernong kababaihan hindi para sa pansariling pag-angat ngunit para sa pagmamahal ng sangkatauhan.

Frontline Foundation's CEO Maria Teresa Abadilla

Frontline Foundation's CEO Maria Teresa Abadilla Source: Frontline Foundation

Sa isang henerasyon kung saan ang 'self-love' ay madalas na tinuturing na importante upang patunayan ang kahalagahan ng isang babae, ang istilo ni Maria Teresa Abadilla ay iba. Nagsimula ang lahat sa isang tapat na pagmamahal para sa komunidad. Si Maria Teresa na kilala din bilang 'Tess' sa kanyang mga kaibigan ay mapagmahal sa Panginoon at tao. Mayroon siyang malaking puso para sa mga kababaihan. Nagagalak siyang tulungan ang kanyang komunidad at ito ay isang bagay na pinaniniwalaan niyang iniligay ng Diyos sa kanyang puso.

Taong 1985, kasagsagan ng Edsa revolution sa Pilipinas, lumipat si Tess at ang kanyang asawa sa Australya sa pag-asang makapagbigay ng magandang oportunidad para sa kanilang dalawang anak na lalaki. Siya ang direktor ng De La Salle University Computer Services Centre ng panahong iyon at miyembro ng mga guro ng departamento ng Computer Science. Siya ay dumaan sa mga hamon bilang bagong migrante dahil kinailangan niyang magsimula sa baba. 'It was very difficult. it was very challenging, no one knows you. Unlike sa Philippines, kilala ka na sa industry. May mga achievements and accomplishments ka na but dito walang nakakakilala sayo,' ibinahagi ni Tess.
Abadilla family. (L-R) son Raymond and wife Pia, Tess with husband Buddy, son Ian with grandsons Eli and Zach.
Abadilla family. (L-R) son Raymond and wife Pia, Tess with husband Buddy, son Ian with grandsons Eli and Zach at her 60th birthday. Source: Maria Teresa Abadilla
Naging madali ang pag-aaral para kay Tess. Siya ay cream of the crop. Isang iskolar ng Philippine Science High School, tinapos niya ang kanyang Bachelor of Science in Statistics sa UP Diliman at kumuha  ng Master's degree sa Industrial Engineering. Gayunpaman, nang siya ay pumasok sa korporate na mundo ng Australya, inatake siya ng mga pag-aalinlangan at reserbasyon kung paano makikipag-kumpetensya at mapapansin, ngunit ang walang katapusang akala ay hindi pumigil sa kanya upang kuminang. Tumalon siya mula sa isang industriya patungo sa iba upang tingnan kung saan siya magaling. Nagsimula bilang konsultant ng isang kompanya, nagtayo ng sariling kompanya ng pagko-konsulta, nagtrabaho sa Telstra at sa katapusan ay nakita ang sarili sa Australia Post. Maswerte siyang nakakuha ng posisyon bilang tagapamahala ng grupo ng strategy at architecture sa departamento ng IT at pagkatpos ng ilang taon ay nabigyan ng ehekutibong posisyon sa departamento ng komersyal at HR. Inamin niyang naging isang hamon ang magtrabaho kasabay ng ibang mga kultura. 'It exposes who you are. Our culture as a Filipino we are a bit timid in a number of things.. Even in the way we express ourselves. But if you are given responsibility you have to personally change. Not just on skill level but in being able to communicate with other team members,' sabi ni Tess.
Maria Teresa Abadilla completing her Certificate IV in Training and Assessment at Victoria University in 2014.
Maria Teresa Abadilla completing her Certificate IV in Training and Assessment at Victoria University in 2014. Source: Maria Teresa Abadilla
Pagkatapos ng 10 taon, umalis si Tess ng 2011 mula sa posisyon at itinuon ang pansin sa ibang adyenda; ang tumulong sa komunidad. Sinimulan niya ang pagtatayo ng sariling kawanggawa na kinamamayaan ay tinawag niyang Frontline foundation. Nagsimula ang bisyon nang siya ay pumunta sa Pilipinas para sa isang byaheng misyon kung saan ay binisita nila ang mga malalayong komunidad upang pakainin at pagsilbihan ang mga mahihirap. Sa nasabing byahe, nasaksihan niya ang malungkot na katotohanan na ang kahirapan ay kumukontrola sa buhay ng maraming Pilipino, isang tanong ang pumasok sa kanyang isipan, 'is there anything I can do with what I know and where I am?' Naniwala siyang panahon na upang kumilos at palakasin ang komunidad. Sa tulong ng kaibigan, sinimulan nilang ayusin ang bisyon, misyon at modelo. Nagtagal ng 3 taon upang ilatag ang pundasyon ngunit habang inaayos, nagsimula na silang magtayo ng mga proyekto sa Pilipinas.
'Give a man a fish, and you feed him for a day. Teach a man to fish, and you feed him for a lifetime.' -Chinese Proverb
Layunin ng Frontline foundation na palakasin ang mga taong mahihirap upang maabot ang napapanatiling pamumuhay. Hindi ito naka-depende sa pagbibigay ng pera sa mga nangangailangan ngunit ang pangunahing pokus ay ang makipagpares sa mga komunidad upang turuan ang bawat miyembro na magtrabaho at mag-isip upang sila ay makagawa ng mga kapaki-pakinabang na desisyon sa buhay. Mas mabuti na turuan ang isang tao na gawin ang isang bagay para sa kanilang sarili kaysa sa gawin ito para sa kanila, ito ang bisyon ni Tess.
'There must be something more that we could do to get people out of poverty.'
Sinimulan ni Tess at ng kanyang koponan ang kanilang unang malaking proyekto noong 2014 sa pamamagitan ng pagtulong sa mga Badjaos ng Batangas. Sila ang unang nakatanggap ng tulong mula sa pundasyon. Ang mga Badjao na sinasabing hindi marunong magbasa at magsulat ay dumaan sa mga strategic planning workshop, business, finance at project management na mga pagsasanay at pagkatapos ng paghahanda, sila ay binigyan ng angkop na pondo uang simulan amg sariling kooperatibo. Ang tagumpay ng proyekto ay naglikha ng chain reaction at naging daan upang tumulong sa Daet, isang mahirap na komunidad sa kabukiran ng Pilipinas. Nakatulong ng 250 pamilya ang proyekto at ngayon sila ay naghahanda sa mas marami pang proyekto.                            
Frontline Foundation's community projects in Pampanga and Badjao community.
Frontline Foundation's community projects in Pampanga and Badjao community. Source: Frontline Foundation
Sa kabila ng pagtulong sa mga mahihirap, gusting-gusto din ni Tess ang pagsasanay sa mga kababaihan. Aktibo niyang hinahanda ang mga kababaihan upang maabot nila ang buong potensyal sa pamamagitan ng pangunguna sa isang annual women's dinner na tinawag niyang 'radiant'. Pangunahing pokus niya ay makuha ang mga kababaihang lumabas at mag-enjoy sabay ng pagbibigay ng bagong kahulugan sa pamantayan ng kagandahan sa perspektibo na maka-Diyos. 'It's really combining outer beauty and inner beauty.Outer beauty you adorn yourself with jewelries and fine clothes and you go out and have fun. But we combine that with also developing your inner beauty,' sabi ni Tess.
Radiant annual dinner held every 21st of September.
Radiant annual dinner held every 21st of September. Source: Radiant FB
Sa pagsimula nito ng 2002, mahigit 200 kababaihan ang nagpatunay na nagbago ang kanilang buhay. Ngayon ay malalim na ang kanilang pag-uunawa sa kanilang kahalagahan at layunin. Ang kanyang buong bisyon ay matatag pa rin ngayon; na ang mga kababaihan ay kikinang ng may pagmamahal, pagtitiwala at kaligayahan.

'I am a product of someone investing in my life way back 1986. So I was in DLSU, there's a woman in my life who would come to my office and minister to me. I know that has made an impact in my life. I have changed. I have transformed. I know we can empower women,' sabi ni Tess ng may kagalakan. Sa ngayon ay tinuturuan at hinihikayat niya ang daan daang kababihan sa komunidad Pilipino-Australyano at masaya siyang magsisilbi habang siya ay nabubuhay.
Frontline Foundation's Zumba activity.
Frontline Foundation's Zumba activity. Source: Frontline Foundation
Naniniwala si Tess na ang mga Pilipina ay mayroong katangi-tanging talento. Pinagsama ang tamang mga kakayahan, kagalang-galang na katangian at respetadong kultura, tunay na kikinang ang mga kababaihan. 'There's so much to learn and contribute for the community. There's so much that you can do to leave a legacy to the next generation.' Sabi ni Tess ng may kumpiyansa.

BASAHIN DIN:

 

 

 

 

 

 


Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand