Inspiring Pinoy: Security guard na, pintor pa

Hindi hadlang ang kahirapan para kay Medardo Olaco na makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay. Mula sa pagiging isang full time security guard, aktibo din niyang ipinagpapatuloy ang kanyang pangarap bilang isang visual artist.

Medardo Olaco is not just a dedicated security guard but is also a talented painter who produces exceptional art pieces.

Medardo Olaco is not just a dedicated security guard but is also a talented painter who produces exceptional art pieces. Source: SBS Filipino

Kund hind siya abala sa pag-papatrol ng gusali ng GSIS sa Pasay City, siya ay gumagawa ng mga kamangha-manghang obra.

Si Medardo Olaco ay hindi lamang isang matapat na security guard, siya din ay isang magaling na visual artist na gumagawa ng mga natatanging obra.

Ayon kay Mr Olaco siya ay namulat sa kahirapan sa Guindulman, Bohol ngunit idiniin niya na ang kanyang pinansyal na sitwasyon ay hindi nagpigil sa kanyang ipagpatuloy ang pangarap na maging pintor.

"Ang gusto ko talaga ay kumuha ng architecture o fine arts pero sa hirap ng buhay ay hindi ako nakapagtapos ng high school kaya gumawa ako ng paraan kasi gusto ko talaga marating ang pangarap ko."

Dahil walang pera ang mga magulang upang itustos sa pitong magkakapatid, nagdesisyon siyang maghanap ng pagkakakitaan.

Nang siya ay nasa elementarya, ginagawa niya ang mga proyekto ng ibang mga estudyante sa kanyang paaralan kapalit ng konting bayad.

Dagdag niya, hindi lamang siya nakabili ng pagkain mula sa raket ngunit naging paraan din ito upang kanyang madiskubre ang kanyang kasanayan.

"Nadiskubre ko po [na marunong akong magpinta] noong nasa elementary ako. Lahat ng projects ng mga schoolmates ko mula grade 1 to grade 6 ako ang gumagawa. Humihingi lang ako ng [konting bayad] para pambaon ko."

Determinado na magtagumpay sa buhay at habulin ang pangarap kahit na hindi nakapagtapos ng high school, sumubok si Mr Olaco mamasukan sa iba't-ibang trabaho nang siya ay lumipat sa Maynila.

"Pumasok din ako sa construction work para makabili ng gamit sa pagpipinta, naging pintor din ng mga bahay at apartment at nag-gwardiya ng anim na taon. Kapag may obra akong naggawa ay binibenta ko ng mura. Ang mahalaga sa akin ay makabili ako ng gamit sa pagpipinta."
Mr Olaco has produced various artworks from realism, mural to abstract even sculpture and is now learning to be authentic by discovering his own personal style.
Mr Olaco has produced various artworks from realism, mural to abstract even sculpture and is now learning to be authentic by discovering his own personal style. Source: SBS Filipino
Nakagawa si Mr Olaco ng iba't-ibang obra mula sa realism, mural at abstract, kahit na eskultura at ngayon ay nag-aaral na mas maging totoo sa pamamagitan ng pagdiskubre ng kanyang sariling istilo.

"Realism, mural at abstract ang mga obra ko at nag-sculpt din ako. Hinahabol ko din ngayon ang sarili kong style kasi mahalaga bilang artist na makilala ka ng tao sa pamamagitan ng obra mo."

Sinabi niya mapalad din siya na ang mga obra niya ay binibili ng mga abogado at mga ehekutibo ng korporasyon.

"Ang mga bumibili ng obra ko ay attorney, senior vice president at presidente ng GSIS.  Minsan pinapa-sketch muna nila bago aprubahan yung gusto nila."

Sa kabila ng hindi pagtatapos ng digri sa sining, nagsusumikap siya na makagawa ng mga mala-world class na obra at aktibong sumasali sa mga iba't-ibang art exhibitions upang maibahagi ang talento at makapagbigay ng inspirasyon sa iba.

"Sumali ako sa GSIS art club, nag-solo exhibit din kami sa GSIS, University of Manila, Adamson University at sa mga SM Manila at Mall of Asia."
Mr Olaco has produced various artworks from realism, mural to abstract.
Mr Olaco has produced various artworks from realism, mural to abstract. Source: SBS Filipino
Para sa pamilya

Naniniwala si Mr Medardo Olaco na ang natatanging pamana na maipapasa niya sa kanyang mga anak ay isang magandang edukasyon kung kaya't nagsusumikap siyang magtrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya.

"Ayaw ko matulad sila sa akin na hindi nakapagtapos. Lahat ng mga magulang ay pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ang anak. Wala akong maipapamana sa kanila [kundi edukasyon]. Wala akong bahay, lupa, pera."

Sinabi din niya na kadalasan sa kanyang kita ay pumupunta sa ipon ng pamilya at sa tuition ng kanyang mga anak na babae.

"Dalawa ang pinupuntahan ng kita ko. Kapag makabenta ako ng painting, nasa mga pitong libo sa maliit na painting. Yung anim na libo [ay iniipon ko] ang isang libo ay idadagdag sa gastos ng mga anak ko. Ang importante sa akin ay ang mga bata na makaahon sila at makpagtapos sila ng pag-aaral. Sinisikap ko talaga na hindi sila magutom."
Mr Olaco believes that the only legacy he can pass on to his children is a good education.
Mr Olaco believes that the only legacy he can pass on to his children is a good education. Source: SBS Filipino
Hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay

Naniniwala si Mr Olaco na hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay ng isang tao.

Kailangan lamang ng isang tao na mangarap at magkaroon ng pag-asa.

"Sa lahat ng pangarap hindi hadlang ang kahirapan. Para sa akin tuloy pa rin ang panagarap. Huwag ka lang magnakaw, huwag ka mandaya sa ibang tao at huwag kang magsinungaling. Mangarap ka. Wala naming mawawala kung mangarap ka. Abutin mo ang kaya mong abutin. Huwag ka mawawalan ng pag-asa."

BASAHIN DIN:


 

 

 


Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand