Naglabas ang Instagram ng inakalang maliit na iskalang pagsubok ng isang bagong tap-to-advance feature na magpapahintulot sa mga gumagamit na makita ang mga post ng pahalang.
Ngunit ang bagong tampok ay pumunta agad sa mga gumagamit ng hindi inaasahan at nagdulot ng takot sa mga instagram users dahilan ng mabilisang pagtigil ng social network sa pagsubok.
Si Adam Mosseri, ang bagong nilagay ng Facebook bilang head of Instagram ay sumagot sa Twitter, Huwebes at nagpaliwanag "supposed to be a very small test that went broad by accident. Should be fixed now. If you're still seeing it simply restart the app. Happy holidays!"The test "went to a few orders of magnitude more people than intended, sorry about that," ito ang post ni Mosseri sa Twitter.
Nag-tweet din siya, "Sorry for the confusion! Always trying new ideas, usually with a much smaller number of people."
Ayon sa isang rep mula Instagram ito ay dahil sa isang "bug". "Due to a bug, some users saw a change to the way their feed appears today. We quickly fixed the issue and feed is back to normal," sinabi ng rep.
Marami naman ang pumuna sa bagong scrolling feature at sinabing mas kumplikado ito kumpara sa vertical-feed-orientation.
Ang Instagram tulad ng ibang kilalang apps ay humarap sa mga negatibong reakasyon sa paggawa ng mga pagbabago sa disenyo.
Taong 2016, binago nito ang users' feeds mula sa magkasunod patungo sa algorithmical na presentasyon na nagdulot ng isang Change.org petition upang panantilihin ang instagram na magkasunod. Ito ay pinimirmahan ng 343,000 katao ngunit sa kabila nito ay di binalik ng Instagram ang dating disenyo.
Sa parehong taon din, binago ng Instagram ang kanilang logo at tinawag ito ng New York Times bilang The Great Instagram Logo Freakout of 2016.
Share
