Jaclyn Jose nanalo bilang pinakamahusay na aktres sa Cannes Film Festival

Sa unang pagkakataon para sa Pilipinas, nanalo ang aktres na si Jaclyn Jose ng gawad bilang pinakamahusay na aktres sa katatapos na Cannes Film Festival sa Pransya sa kanyang papel sa pelikulang “Ma’ Rosa.”

Jaclyn Jose

Jaclyn Jose at the 69th Cannes Film Festival where she receives the Best Actress award Source: AAP

Tinanggap ng Pilipinong aktres Jaclyn Jose ang gawad at  nagdiwang kasama ng kanyang anak na aktres Andi Eigenmann, at direktor Brillante Mendoza matapos mahirang na Best Actress sa ika-69 na Cannes Film Festival sa Cannes, Pransya nitong ika-22 ng Mayo, 2016.

Si Jose ay nanalo para sa kanyang pagganap sa papel bilang isang ina na nagtataguyod ng kanyang pamilya sa pelikulang may temang drama na "Ma Rosa" sa direksyon ni Brillante Ma. Mendoza.

Ang huling pagkakataon na nanalo ang Pilipinas sa Cannes ay ang best director award ni Mendoza para sa pelikulang “Kinatay” noong taong 2009.

 



Share

Published

Updated

By SBS Filipino
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand