James Cook University makikipagtulungan sa Department of Science and Technology ng Pilipinas

Sabay na isusulong ng gobyerno ng Pilipinas at ng isang unibersidad sa Australya ang dagdag na kaalaman sa science, technology at innovation na akma sa mga lugar sa tropics.

DOST-JCU Partnership

Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely witnessed the signing of the agreement between JCU and DOST. Source: Supplied by S.Escalante

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding o MOU ang Department of Science and Technology o DOST ng Pilipinas at ang  James Cook University o JCU na naka-base sa Brisbane.

Taglay ng kasunduan ang partnership o pagtutulungan  para isulong ang research at exchange program ng mga estudyante at scientists, gayundin ang palitan ng teknikal na impormasyon at mga dokumento na makatutulong para pagbutihin pa ang buhay sa tropics.
JCU-DOST MOU
JCU’s Chancellor and former Ambassador to the Philippines Bill Tweddell signing the Memorandum of Understanding Source: Supplied by S.Escalante
“The partnership with DOST is based on JCU’s shared interest with DOST in developing scientific and educational alliances that are relevant and unique to the tropics.

The focus will include topics such as marine sciences, biodiversity, tropical ecology and environments, global warming, tourism, and tropical medicine and public health care in under-served populations,” sabi niya.

Inilatag naman ni DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra ang mga layunin ng gobyerno ng Pilipinas sa pagpasok sa kasunduan sa James Cook University – iyan ay ang research at ang exchange program para sa students and faculty members.
DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra
DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra answers questions from the media Source: Supplied by S.Escalante
Paliwanag ni Undersecretary Guevarra, kulang pa ang kooperasyon ng Pilipinas sa Australya, sa lebel ng siyensiya, teknolohiya, paglilinang  at pagbabago, at nararapat itong  pag-ibayuhin.

“We need to figure out what’s going on between our lands and that’s where our researchers and their researchers can work together,” sabi niya.

Inaasahang masisimulan na ang joint projects at activities ng DOST at JCU sa unang bahagi ng 2019.

Sinaksihan ni Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely ang paglagda sa kasunduan.

Masaya niyang iniulat na maraming estudyanteng Pilipino ang gustong makapag-aral sa mga kolehiyo sa Australya, kumpara sa Amerika.

Iniulat ng DOST na nakapagpadala ito ng 145 Filipino scholars sa ibang bansa ngayong taon, at target na makapag-paaral pa ng  200 Filipinos sa ibang bansa  sa susunod na taon.

Share

Published

Updated

By Shirley Escalante

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
James Cook University makikipagtulungan sa Department of Science and Technology ng Pilipinas | SBS Filipino