Labor nahaharap sa pagkatalo sa by-election, ayon sa bagong poll

Ayon sa bagong poll, maaring matalo ang Labor sa Longman at Braddon, ngayong umatras na si Pauline Hanson sa pangangampanya.

Bill Shorten (R) and Anthony Albanese

Labor frontbencher Anthony Albanese and party leader Bill Shorten. Source: AAP

Ang Federal Labor ay nahaharap sa makasaysayang pagkatalo sa Queensland para sa pwesto nito sa Longman at maaari rin silang mawalan ng pwesto sa Braddon sa Tasmania, ayon sa bagong poll bago ang Super Saturday by-election. 

Ang polling ng YouGov na inilathala ng NewsCorp noong Lunes ay nagpapakita na ang oposisyon ay nakakuha ng 49 hanggang 51 na porsyento sa Longman, na naipanalo ni Susan Lamb ng Labor noong nakaraang halalan. 

Sa Braddon, hati ang suporta sa dalawang partido 50-50, kung saan si Brett Whiteley ng Liberal ay nalalapit na manalong muli sa pwesto, na dating naipanalo laban sa kanya ni Justin Keay ng Labor noong 2016. 

Kung sakaling maipanalo ni Prime Minister Malcolm Turnbull ang alinmang pwesto sa botohan sa Hulyo 28, ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na ang gobyerno ay mananalo laban sa oposisyon sa isang by-election sa loob ng 100 taon. 

Isa pang malaking patama kay Bill Shorten, ipinakita ng poll ng YouGov Galaxy na maaaring maipanalo ng oposisyon ang parehong pwesto sa Longman at Braddon kung si Anthony Albanese ang lider ng partido.
Bill Shorten at the launch of the Labor campaign in the seat of Longman.
Bill Shorten at the launch of the Labor campaign in the seat of Longman. Source: AAP
Sinabi ni Mr Shorten sa Longman noong Linggo na hindi mahalaga kung paano mo sinimulan, ngunit kung paano magtatapos.  

Sinabi niya na kailangang mas pagtuuunan ng pansin ang kalusugan at edukasyon, pati na din ang mga pensyonado na nahaharap sa mataas na singil ng kuryente. Aniya ito ay mga mas mahahalagang prayoridad kumpara sa corporate tax para sa mga bangko. 

Sinabi ni Mr Turnbull na ang pagbabawas sa company tax ay magbibigay-daan para sa mga employer na mamumuhunan sa kanilang negosyo at kumuha ng mas maraming tao. 

Ang Labor ay "di nagsasabi ng totoo" pagdating sa mga kaltas sa mga serbisyo, at mapapasama si Mr Shorten sa mga botante dahil dito. 

Ang Labor ay kumportable na makukuha nila ang pwesto sa Perth at Fremantle sa WA, habang si Rebekha Sharkie ng Centre Alliance ay nabulungan na mananatili sa kanyang pwesto sa Mayo laban kay Georgina Downer ng Liberal. 

Si Mr Shorten ay nagbabalik sa Braddon noong Lunes, at si Mr Turnbull ay nagpaplanong pumunta sa Northern Territory at northwest Queensland, kung saan pinakikinggan niya ang mga hinaing tungkol sa child safety at kakulangan sa mga oportunidad na pang-ekonomiya.
Malcolm Turnbull (R) holds a baby on arrival at Tennant Creek
Malcolm Turnbull in Tennant Creek. Source: AAP
Samantala, ang lider ng One Nation na si Pauline hanson ay umatras sa kanyang pangangampanya sa Longman, at sinabi umano ng kanyang ka-partido  na si Matthew Stephen na siya ay "pagod na pagod at mas nangangailangan ng R&R."

"There is a big year ahead, which will include a general election, and she wants to recharge over the next few weeks and come back bigger and stronger," sinabi nito sa  The Australian.

Samantala, ayon sa isang hiwalay na poll ang isinagawa ng Fairfax/Ipsos ipinapakita na lumillit na ang lamang ng Labor. 

Ang oposisyon ngayon ay pinangungunahan ng koalisyon ng 51 hanggang 49 na porsyento base sa two-party basis, kumpara sa 53 hanggang 47 na porsyento noong nakaraang buwan. 

Tumaas din ang popularidad ni Mr Turnbull laban kay Mr Shorten, kung saan 57 porsyento ng mga botante ang nagsasabing mas pabor sila kay Turnbull bilang punong ministro kumpara sa 30 porsyento na pabor sa sa lider ng Labor. 


Share

Published

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand