Kung ikaw ay may nararamdamang sintomas na nabanggit sa baba, mangyaring tumawag sa emergency services sa numerong 000 at sabihin sa operator na na-diagnose ka na ng sakit na COVID-19.
- matinding pagkakapos ng hininga o lubhang hirap sa paghinga
- malubhang pananakit ng dibdib
- bago o pabalik-balik na lagnat
- lumalalang kakayahan sa pag-concentrate at matinding pagkalito
- hirap makabangon
Kung may iba ka pang nararamdamang sintomas matapos maka-recover sa COVID-19, kumonsulta sa iyong GP o iba pang health provider (source: Healthdirect)
Makakaasa kayo na ihahatid ng SBS sa multikultural na komunidad ang lahat ng napapanahong update at balita kaugnay sa COVID-19. Maging maalam at maingat, bisitahin ang SBS Coranavirus portal sa impormasyon sa inyong sariling wika.
