Maghahain si Federal Attorney-General Christian Porter ng isang mas mahigpit na batas para sa tinatawag na Serious Overseas Criminal Matters Scheme na nakatulong kay Scully sa kanyang legal fees sa di matagumpay na kaso ng panggagahasa sa mga bata at trafficking.
Si Scully ay nahatulan ng isang kaso ng human trafficking at limang kaso ng panggagahasa sa Pilipinas noong nakaraang buwan.
Siya umano ay humaharap pa sa karagdagang limampung iba pang kaso.
Subalit malamang na hindi na siya makaka-access pa ng karagdagang tulong na pang-legal sa pagpahayag ni Porter ng bagong bataas na iiral simula bukas.
Sa ilalim na bagong batas, ang mga Australyano na humaharap sa mga kasong kamatayan na lamang ang makakaroon ng access.
Ayon sa ulat ng The Australian, ang kriminal na rekord ng isang tao at ang mga pangyayari na nakapalibot sa kanilang pag-alis sa Australya ay dapat ding isaalang-alang.
Ang Federal Attorney-General ang may huling desisyon sa bawat aplikasyon.
"I was concerned that, over time, the scheme had failed to meet community standards and expectations, and the funding provided to Peter Scully, as highlighted recently, was a clear demonstration of that," siabi ni Mr Porter sa The Australian.
Inihain noong pang Marso ni Mr Porter ang mga pagbabago sa batas matapos na lumabas ang report na nakatanggap si Scully ng $525,000 para sa mga legal na gastusin sa kanyang paglilitis.
Si Scully ay tumakas papuntang Pilipinas mula sa Melbourne matapos siyang makasuhan ng fraud o pandaraya.
