Si Les, edad na 71, ay maaalala hindi lamang sa kanyang 35-taong kontribusyon sa putbol sa Australya, kundi bilang isang mahal na kasama, mentor at kaibigan na nag-iwan ng kakaibang legasiya.
Para sabihing siya ay ma-mi-miss ay hindi di lubos na pahayag.
Kilala ng maraming Australyano si Les bilang Mr. Football, na nagsimulang mag-trabaho sa SBS ng ilunsad ito bilang brodkaster ng telebisyon noong 1980.
Ang papel niya ay higit pa sa pagiging komentarista ng putbol. Ang paglago, popularidad at tagumpay ng putbil sa Australya ngayon ay sukdulang salamin ng kanyang hilig at adbokasiya para sa laro na kanyang minahal.
Lubhang nakikiramay ang SBS sa kanyang pamilya, kasama na ang kanyang partner na si Maria, mga anak na Tania at Natalie. Hiniling nila na respetuhin ang kanilang pribasiya ngayong oras na paghihinagpis
"No one better embodied what SBS represents than Les Murray. From humble refugee origins, he became one Australia’s most recognised and loved sporting identities," pahayag ng SBS Managing Director, Michael Ebeid.
"Not just a football icon, but a great Australian story and an inspiration to many, to say that his contribution to SBS and to football was enormous, doesn’t do it justice. This is a devastating loss for all of us at SBS. Our thoughts are with his family and all that loved him."
https://www.sbs.com.au/ondemand/video/354757699838