Mga pangunahing manlalaro sa tennis ng US pinauwi sa unang araw

Habang ang lokal na mga tagahanga ng tennis ay ipinagdiriwang ang isang maagang magandang pagsisimula para sa koponang Aussie, ang Estados Unidos ay bumagsak naman ng malaki. Tanging tatlo lamang sa 15 kakumpitensya ang nakapasok sa ikalawang round. Sa unang araw ng 2018 Australian Open nasaksihan ang ilang nakakagulat na pagkatalo para sa ilang mga nangungunang manlalaro.

2017 runner-up Venus Williams suffers a surprise upset against Swiss talent Belinda Bencic

2017 runner-up Venus Williams suffers a surprise upset against Swiss talent Belinda Bencic Source: Getty Images

Sa loob lamang ng ilang oras, ang tatlong mataas ang ranggo na mga Amerikana na babaeng manlalaro ay itinalo.

Ang finalist ng nakaraang taon na si Venus Williams, ang pinakamatandang manlalaro sa larangan ng tennis sa gulang na 37 taon at 212 araw, ay sinapawan ng 20-anyos na talentong Suwiso na si Belinda Bencic.

Ang kasalukuyang kampeon ng US Open na si Sloane Stephens ay tinalo ni Zhang Shuai ng Tsina. At ang kapwa manlalaro mula US Coco Vandeweghe, na pinahina ng trangkaso, ay dinaig ni Timea Babos mula Hungary.

Ang kanyang kakaibang argumento kaugnay ng kakulangan ng saging sa korte ay patunay na mababang punto ng isang malungkot na araw para sa koponan ng US.
Lalo pang pinalala, na hindi maibalik ng mga katapat na manlalarong lalaki ang karangalan ng koponan.

Si Jack Sock, pang-siyam sa mundo, ay tinalo ni Yuichi Sugita mula Japan at si John Isner (pang-16) ay dinaig ng Australyanong umaasang manalo na si Matthew Ebden.

Kasama siya sa ilang Australyano na nagawang makapasok sa ikalawang round.

Nakapasok sina Nick Kyrgios, Daria Gavrilova, at John Millman sa kanilang mga panalo sa straight set.

Si Olivia Rogowska ang nanalo sa labanan ng parehong Aussie laban kay Jaimee Fourlis.

Gayunpaman, si Sam Stosur, ay tinalo ni Monica Puig. 

At siyempre, nariyan si “Rafa”.

Ang Espanyol na nangunguna sa mundo, na pumasok sa Rod Laver Arena sa matingkad na pink na shorts at walang manggas na pangtaas, ay nanalo laban kay Victor Estrella Burgos ng Dominican Republic.
Si Yoshihito Nishioka ng Japan ay nakuha ang pinaghirapang panalo laban sa Aleman na Philipp Kohlschreiber sa limang set.

Si Luksika Kumkhum mula Thailand ay ginulat naman ang kanyang kalaban, si Johanna Larsson ng Sweden.

At ang Tsino na si Duan Ying-Ying ay kumportableng nanalo laban kay Mariana Duque-Marino mula Colombia.

Ngunit maraming iba ang mangyayari.
Sa ikalawang araw, tampok ang nasa limang dating kampeon sa Melbourne, kabilang ang nanalo noong nakaraang taon na si Roger Federer.

“Sa tingin ko, hindi isang 36-na-taong-gulang ang dapat na paborito sa torneo, hindi dapat iyon ang kaso." ("I don't think a 36-year-old should be a favourite of a tournament, it should not be the case,”) biro ng Suwisong “maestro” bago ang kanyang unang round ng laro laban kay Aljaz Bedene ng Slovenia.
Makakaharap ng anim na beses na nanalo sa Melbourne na si Novak Djokovic si Donald Young (US).

Dahil sa iniindang sakit sa siko, ang Serb ay hindi kompetibong nakapaglaro mula noong Wimbledon noong Hulyo.

Gayundin para sa 2014 kampeon mula Switzerland Stan Wawrinka, na nagdusa ng isang pinsala sa tuhod. "Stan the man", gaya ng madalas na tawag sa kanya, ay makakalaban si Ricardas Bernkis mula sa Lithuania.

Ang South Korean na umaasang manalo si Hyeon Chung ay lalaban kay Mischa Zverev ng Alemanya.

Sa hanay ng mga Kababaihan, si Angelique Kerber, na nag-uwi ng tropeyo noong 2016, ay makakalaro ang kapwa Aleman Anna-Lena Friedsam.

Makakaharap ng 2008 champion Maria Sharapova ang Aleman din na si Tatjana Maria. Ang Rusong manlalaro ay nagbabalik sa Melbourne Park matapos na hindi makapaglaro noong nakalipas na taon kasunod ng pagbabawal sa kanya dahil sa ipinagbabawal na supplement.

Ang numero uno sa mundo, na si Simona Halep, ay makakalaro ang Aussie tinedyer Destanee Aiva.

Kabilang sa iba pang mga manlalarong Aussie na aabangan sa ikalawang araw ang powerhouse na si Ash Barty (laban kay Aryna Sabalenka) at ang Sydney finalist Alex De Minaur (Tomas Berdych).

Si Qiang Wang ng Tsina, ay may mahirap na hamon sa kanyang unang laban laban sa US Open finalist na Madison Keys (US).

Ang batang Naomi Osaka mula Japan ay makakalaban ang Slovakian na si Kristina Kucova.


Share

Published

Updated

By Maria Schaller
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand