Kuwaiti blogger binatikos sa social media sa kanyang di magandang komento laban sa mga Pinoy domestic workers

Umani ng batikos sa social media ang Kuwaiti blogger matapos siya maghayag ng di magandang komento laban sa mga Pinoy na domestic workers.

Kuwaiti blogger

Beauty blogger Sondos Alqattan sparks outrage on social media over slavery comments Source: Sondos Alqattan Twitter account

Ikinagalit ng marami sa social media ang mga pahayag ng isang Kuwaiti blogger matapos siya magreklamo tungkol sa mga OFW. 

Makikita sa Celebrity Today video, na ang Kuwaiti blogger na si Sondos Alqattan ay kinwestyon ang reporma ng Kuwaiti government sa kafala system, na nagpapahintulot sa mga Pinoy domestic workers na magkaroon ng day off at maitabi nila ang kanilang mga pasaporte. 

Ang social media celebrity na may higit 2.3 milyong tagasunod sa Instagram, ay nagsabing ang reporma ay "pathetic" at hindi niya gusto ang ideya na ang mga 'katulong' ay mabigyan ng day off at mapahintulutang itabi ang kanilang mga pasaporte. 

“If they ran away and went back to their country, who will refund me?,” sabi ng beauty blogger.

“I don’t want a Filipino maid anymore.”
Noong Mayo 2018,  ang Kuwait at Pilipinas ay pumirma sa isang kasunduan na nagpoprotekta sa mga karapatan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. ang mga reporma ay nailunsad kasunod ng pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagayan ng mga Pinoy sa Gulf nation at sinabihan niya ang mga katulong doon na dumaranas ng pang-aabuso na bumalik sa bansa. 

Ang Pangulo ng Pilipinas ay nagpataw din ng permanent ban sa mga Pilipinong magtatrabaho sa Kuwait. 

Nasa 262,000 na mga Pilipino ang nagtatrabaho sa Kuwait, halos 60 porsyento dito ay domestic workers, ayon sa Department of Foreign Affairs. 

 

 


Share

Published

Updated

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand