Isang unseeded na Australyano, na si John Millman ang nagpabago sa takbo ng US Open, nang talunin nito ang grand slam champion na si Roger Federer.
Sa isang di inaasahang kaganapan, marami ang nagulat sa pagkapanalo ni Millman sa kanyang laro laban kay Federer. Nakatakda na ngayon siyang humarap kay Novak Djokovic.
Buhat noong matalo ni Pat Rafter si Roger Federer sa isang grand slam debut sa Roland Garros noong 1999, wala pang Australyano na nakatalo sa isang mahusay na Swiss na manlalaro sa isang pangunahing laro.
Simula noon, siyam na Australyano - kabilang si Nick Kyrgios, dalawang araw ang nakararaan, si Mark Philippoussis noong 2013 at si Lleyton Hewtt - ang nabigong talunin si Federer sa 20 susnod-sunod na grand slam na laban sa loob ng halos 20 taon.
Ngunit sa parehong court kung saan natalo ni Federer si Hewitt, na nagtala ng iskor na 6-0 7-6 6-0 sa 2004 US Open final, tinalo ni Millman ang pinakamagaling na manlalaro, na nagdulot ng maagang pagkatalo ng World's No. 2 sa loob ng halos apat na taon.
"I'm probably in a little bit of disbelief," sabi ni Millman matapos niyang talunin si Federer, 40-from-40 record, laban sa non-top 50-ranked rivals sa US Open.
"I have so much respect for Roger and everything he's done for the game. He's been a hero of mine and today he was definitely not at his best but I'll take it."
"I felt like a bit of a deer in headlights to begin with, to be honest with you,"sabi ni Millman.
"The feet weren't moving. Roger had it on a string, he was manipulating me around the court.
"I got out of a tough second set and really found my feet and started to be a bit more aggressive.
"I started to serve really well and probably capitalised a little bit on Roger having an off service day."
