Habagat nagdulot ng pagbaha sa Metro Manila at kalapit na probinsya

Nagkaroon ng malakas na ulan at pagbaha sa mga lugar sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya matapos lumisan sa bansa ang bagyong si Karding (Yagi).

Philippine floods

Rescuers help out residents following a flood in Marikina City, east of Manila, Philippines, 12 August 2018. According to reports, thousands residents evacuated Source: AAP Image/EPA/FRANCIS R. MALASIG

Nagdulot ng pagbaha ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan noong Sabado. 

Ang mga lugar na madalas na bahain ay nagtala ng halos limang talampakang tubig-baha.
Isang nayon sa San Mateo, Rizal  ay lubog pa rin sa tubig-baha at basura, ayon sa tweet ni Allan Gatus.
 

Nitong Lunes ng umaga, ang PAGASA ay nag-isyu ng Yellow Rainfall alert na nagbibigay babala sa mga residente ng posibleng pagulan na aabot sa 7.5 to 15 mm kada oras sa mga susunod na tatlong oras sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya kabilang ang Batangas, Cavite, Bulacan, Zambales at Bataan. 

Ang habagat ay pinalakas ng Tropical Storm Yagi na nai-report ng PAGASA na magdadala ng mga pag-ulan buong araw. 

Ang mga residente sa mababang lugar at malapit sa ilog ay pinag-iingat sa patuloy na pagbaha at posibleng landslide dahil sa malakas na buhos ng ulan. 

Ang Tropical Storm Yagi ay ika-11 bagyo na dumaan sa Pilipinas. Ang bansa ay karaniwang nakakakuha ng average na 20 bagyo kada taon. 

ALSO READ

Share

Published

Updated

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand