Watch FIFA World Cup 2026™

LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Higit pang abiso para sa pagbabago ng mga presyo ng kuryente

Magkakaroon na ng limang araw na abiso mula sa mga energy providers bago magkaroon ng pagbabago sa mga presyo, sa ilalim ng pagpapasiya ng Australian Energy Market Commission noong Huwebes.

Power bills

Source: AAP

Magkakakaroon na ng panahon ang mga konsyumer na makapamili at makahanap ng mas magandang power deal ngayong kinakailangan ng magbigay ng limang araw na abiso ang mga energy providers bago sila magbago ng presyo, sabi ng ministro. 

Nagpasya ang Australian Energy Market Commission na kinakailangang magbigay ng limang araw na abiso ang mga gas at electricity retailers sa mga kustomer nito bago sila magbago ng presyo, simula Pebrero 1 sa susunod na taon. 

Hinihikayat ni Energy Minister Angus Taylor ang mga konsyumer na magpalit ng provider kung hindi nila magustuhan ang presyo. 

"We know that there are large discounts available for consumers that make a switch on their retail electricity provider,"sinabi niya sa isang pinagsamang pahayag sa pamahalaan ng NSW noong Huwebes. 

Sa kasalukuyan hindi kinakailangan ipagbigay-alam ng mga energy providers sa mga kustomer nito sa mga pagbabago sa presyo hanggang sa susunod nilang bill, na sinabi ni Mr Taylor na maaari itong tumagal ng ilang buwan at magreresulta ng bill shock. 

Inirerekomenda din ng AEMC ang mga parusa kung hindi susunod ang mga retailers sa pagbibigay ng limang araw na abiso. 

Nananatiling tapat sa kanyang pangako si Mr Taylor na ibaba ang power prices simula pa noong Agoosto, sa kanyang plano na naka-link sa mga rekomendasyon mula sa Australian Competition and Consumer Commission.

Kasama sa kanyang plano ay ang pagkakaroon ng safety net sa mga presyo, upang maitaas ang kompetisyon at maiwasan ang price-gouging. 

Pinagpasyahan din ni Mr Taylor ang pagpapalit ng Renewable Energy Target kapag ito ay mawalan ng bisa sa 2020.

Follow SBS Filipino on Facebook


2 min read

Published

Presented by Roda Masinag



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now