Patuloy na nangingibabaw ang mga Pinay sa mundo ng pagpapakitang-gilas.
Ang nakaraan at kasalukuyang panalo tulad ng kamakailang pagwagi ng Pinay-Aussie na si Catriona Gray na sumungkit ng korona ng 2018 Miss Universe ay nagbigay inspirasyon sa mga kabataang kababaihan na subukan at lakarin ang parehong landas.
Sa Australya, may tumataas na bilang ng mga batang Pilipina ang sinasdyang dumaan sa mga mahigpit na pagsasanay upang lumaban para sa isang titulo.
Naniniwala sila na mahalaga ang mga beauty contest dahil ito ay pagtatanghal ng determinasyon at pagtitiyaga para sa bawat Pilipina.
Sa pakikipag-usap sa SBS Filipino ipinaliwanag ng mga batang babae kung bakit sila lumalaban.

Source: Supplied- Andrea House of Beauty
Higit pa sa KORONA
Para sa mga Pilipina na lalaban sa papalapit na Miss Teen International 2019 at Mutya ng Pilipinas 2019 ang pagsali sa isang beauty contest ay isang paraan upang isapubliko ang mga kamalayan at layunin at ipatupad ang mga sosyal na aksyon.
"I think it’s kind of a platform as well. Even without the pageant you can voice out your opinion but with the pageant it is with a bigger audience like people will hear you more," sabi ni Ms Alyssa Hernandez.
Naniniwala naman si Nicola Miranda na ang kanyang adbokasiya sa pagpapababa ng kahirapan ay mabibigyang pansin sa pamamgitan ng pagsali sa isang beauty contest.
"For me it’s more about focusing on poverty mainly because that’s a bigger cause on a global scale just having that platform to elaborate more into the world I guess like starting on a smaller scale and expanding more," sabi ni Ms Miranda.
Sa aspiranteng si Kreisha Mae Agpasa, ang daan patungo sa titulo ay hindi ang kanyang pangunahing layunin sa halip ay ang pagkamit ng karanasan at pagpapabuti ng kumpiyansa sa sarili ay mga mas mahalagang maiuuwi.
"I think for me self-confidence was always lacking when I grew up. I was a very shy kid I guess in this way training to be a beauty queen allows me to let other people know that even if you’re shy as a kid you can do anything that you put your heart and mind to. It's not about the title but mainly for the experience," sabi ng 19 na taong kandidata.
Para naman sa pinakabatang kandidata ang 14 na taong si Regina Cortes, ang interes sa pagmomodelo ay sumibol sa murang gulang ngunit ang di napagtantong pangarap ng ina na maging beauty queen ang nagtulak sa kanya sa mundo ng beauty contest.
“I’m hoping [to be a beauty queen but did not happen]. We always do some catwalk after shower at home, just me and her and then I saw she got a potential and I said why not. She is a very shy girl but once she is in the mirror she just mocks around with us and do some exercise walking and then friend of ours Lisa, she said your daughter have potential why don’t she join the fashion show and see how she goes and then she said I’m ready mum, I want try,” sabi ni Mrs. Cortes.
Sa kasamaang palad, hindi lahat ng beauty queen ay magkatulad ang kwento. Para sa iba na dati ng sumali sa mga contest, ito ay paraan upang mabuhay mula sa kahirapan sa Pilipinas.

Miss Teen Globe International candidates during their presentation Source: Andrea Jaca Smith
Para sa Miss Transsexual Australia 2016 at beteranang kandidata na ngayon ay beauty coach na si Andrea Jaca Smith, ito ay isang paraan upang kumita ng pera at suportahan ang mga pinansyal na pangangailangan niya.
"Probably I did about 100 beauty pageants. When I joined pageants way back in the Philippines, it was a means of supporting myself I considered it as my bread and butter. I started when I was 18 years old so until now well I’m behind the scene now training but I’m not closing doors (on joining pageants)," sinabi ni Miss Smith na ngayon ay in-house pageant guru ng Face Australia.
Dagdag ni Binibining Smith salungat sa iniisip ng mga tao, ang mundo ng beauty contest ay hindi kahali-halina tulad ng nakikita ng lahat sa labas na anyo.

Andrea Jaca Smiths transformation Source: Andrea Jaca Smith instagram
Sa likod ng glitz at glamour ay nakahiga ang isang pambihirang pangako ng bawat kandidata na handang dumaan sa isang mahirap na paglalakbay kahit na nakasalalay ang kanilang oras, pera at enerhiya
Ang mga Beauty Queen ay hindi ipinanganak, sila ay ginawa
Gaano nga ba kahirap ang pagsasanay?
Sa ilalim ng pamamahala ni Ms Smith, ang mga babae ay dadaan sa ilang buwan o taong pagsasanay sa catwalk, personality development, grooming/wardrobe choice, hair at make up, diet planning at Q & A bago sila isasabak sa mga beauty contest.
Kung mas malaki ang beauty pageant, mas mahirap ang pagdadaanang pagsasanay.
“Mainly I teach them catwalk projection, facial expression at the same time personality development, grooming, make up tutorial. Well mostly a total package on how to be on stage how to be behind and in the limelight. But for those girls I train for international I really implement that you really have to stick with a certain diet because if you go internationally most girls are petite, there’s a certain weight. With the catwalk training I’m focusing on that intensively because that’s where they’re being judged also on how they carry and project themselves on stage and behind scenes," sabi ni Ms Smith.
Habang ang presentasyon sa entablado ay isang aspeto ng kompetisyon na kailangan pagtuonan ng pansin ng mga babae, binigyang diin din ni Ms Smith ang kahalagahan ng pagiging matalino pagdating sa kategorya ng Question and Answer.
"I do Q and A classes base on the previous Miss Universe pageants and sometimes I’m really tackling issues especially with youth and current issues because how they deliver the answer is important. It’s not just the physical outlook, organisers and judges are looking for someone who can talk and communicate because you will be an ambassador of a certain organisation so you have to talk and promote, that's what they’re looking for,” dagdag niya.
Naniniwala din si Andrea na pwedeng maging beauty queen ang kahit sino kung ito ay kanilang paghihirapan at kung sila ay naniniwala sa kanilang ipinaglalaban.
"There are certain pageant that requires height and some not. But for me as a coach anyone can be a beauty queen. A beauty queen doesn’t only mean you are competing on a stage. For me a beauty queen is someone who is compassionate in doing what someone loves doing. Putting her soul in a certain cause that has a greater impact in a society and enable to empower others," pagdiin ni Ms Smith.
Para sa mga umaasang beauty queen oras lamang ang makapagsasabi kung ano ang nakalaang kapalaran para sa kanila ngunti sa ngayon ay ninanamnam muna nila ang handog na kasikatan.
BASAHIN DIN:
READ MORE

Lumalaking anino ni Catriona Gray