Nadesisyunan ng Federal Circuit Court na may sala ang mag-asawang Michael Parkes at Rowena Sioco Parkes sa di pagbayad ng higit sa $134,000 sa kanilang dalawang Pilipinong empleyado.
Nag-recruite ng dalawang Filipino couples ang mag-asawa gamit ang 457 skilled work visa. Full-time ang trabaho ng apat, ngunit pinilit silang tumanggap ng 'two-for-one' wage deal kung saan ang mga babae lamang ang binabayaran.
Kasama sa mga responsibilidad ng apat ay ang paglilinis, paglalaba, pagluluto, at iba pa.
Ayon kay Fair Work Ombudsman Sandra Parker, “Enforcing compliance with workplace laws in the hospitality sector and taking action to protect vulnerable workers continue to be priorities for the Fair Work Ombudsman.”
Ang mga Parkes, na may-ari NSW Motel Management Services Pty Ltd, ay nahatulan na magbayad ng $280,000 in penalties.