#MyAussieChristmas: Ano ang Pasko para sa mga Pinoy international students

Ang Pasko ay sinasabing pinaka-masayang oras ng taon ngunit para sa ibang mga Pinoy international students, hindi ganito lagi ang kaso. Habang papalapit na ang Pasko, nagkaroon ng pagkakataon ang SBS Filipino na kausapin ang iba't-ibang Pinoy international students tungkol sa kung ano ang pakiramdam nila ngayong Pasko na malayo sa pamilya at mga kaibigan.

Owen Alarcon

Owen Alarcon Source: Owen Alarcon

Mula sa pagiging lonely at homesick, pagtatrabaho sa araw ng Pasko hanggang sa paggunita ng pasko ng mag-isa dahil sa mga praktikal na rason- ito ay ilan lamang sa mga kwento na pinagdadaanan ng maraming Pinoy international students sa kanilang maagang taon sa Australya.

Ang pagkawalay sa mga mahal sa buhay na pinagkukunan ng pagmamahal at suporta at ang mabunot mula sa sariling kultura lalo na sa pinakamagandang panahon ng taon ay mahirap.

'Isang masaya ngunit kakaibang klase ng Pasko' para kay Owen Alarcon

Inilalarawan ni Owen Alarcon ang kanyang Pasko sa Australya bilang 'masaya ngunit kakaiba'. Ito ang kanyang pangalawang pasko sa Asutralya- una ay nang bumisita bilang turista at ngayon, bilang isang estudyante.

Dumating si Owen apat na buwan na ang nakaraan at dating nagtrabaho bilang front office manager sa Crowne Plaza Hotel Manila Galleria ng 11 taon. Kamakailan lang, nag-desisyon siyang lumipat sa Australya upang mag-aral ng diplome of leadership and management.
Owen Alarcon with the Crowne Plaza Manila Galleria staff on his last day as Manager.
Owen Alarcon with the Crowne Plaza Manila Galleria staff on his last day as Manager. Source: Owen Alarcon
Inamin niya na nakaranas siya ng depresyon sa mga unang buwan sa bansa.

"Sa totoo lang during my second or third month, hindi naman homesick pero somehow na-depress ako kasi parang I don't know if I mentioned it but I'm already 39. I spent 39 years in the Philippines so yung adjustment medyo nahirapan ako although I had friends na here. Iba pa rin pala, kasi iba ang lifestyle ko sa Philippines pagdating ko I had to literally start over and nag adjust yung mga ginagawa ko," sabi ni Owen.

Ayon sa kanya, Mas masaya ang Pasko sa Pilipinas habang ang Pasko sa Australya ay tahimik kung kaya mas pipiliin niyang magdiwang doon kung bibigyan ng oportunidad pumili. Gayunpaman, nais niyang maranasan ang Pasko sa isang bagong bansa tulad ng Australya upang ma-appreciate niya ang mga mahalagang sandali sa Pilipinas.

" If I'm to compare it, doon parang pag-start ng BER month ramdam mo na, dito sa Australia parang busy talaga yung tao dito. Iba pa rin ang Pasko sa Pilipinas," dagdag ni Owen.

Magiging masaya ang Pasko para kay Owen, di katulad ng ibang mga estudyante na gugunitain ang masayang panahon na di kasama ang pamilya, mapalad siyang ipagdiriwang ito kasama ang malapit na pamilya na lilipad pa mula sa Pilipinas.

"We will have a simple meal on Christmas eve but the plan is on December 25 and 26, madami kaming relatives dito and madami din ang magvi-visit from Adelaide, from the Philippines so it's gonna be a grand family reunion here in Melbourne. May naka-assign na na Filipino food we're actually planning to do a boodle fight and kris kringle so masaya its gonna be really really fun," sabi ni Owen.
The Alarcon clan
Owen's family and relatives Source: Owen Alarcon
Nang tinanong tungkol sa kanyang dasal at hiling ngayong pasko, "prayer ko always ay ang safety ng family namin but personally,  yung plan ni Lord sa akin here in Australia I hope it gets clearer. Sa school ko and career ko, life in general."

 

 


Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand