Mga Pilipino, ika-lima sa pinakamabilis ang paglago bilang cultural group sa Australia ayon sa Census 2021

Sa tala ng 2021 Census ng mga nakatira sa Australia na ipinanganak sa ibang bansa,nanatiling panglima ang mga Pilipino na may bilang na 310,000

Young Family

New ABS data reveals Filipinos make up the fifth fastest-growing cultural group in Australia. Source: Getty / FatCamera

Patuloy na nagiging multicultural ang Australia base sa inilabas na 2021 Census.  


Pumalo sa halos 25.5 million (25,422,788) ang populasyon ng Australia na hindi kabilang ang overseas visitors sa naganap na Census night. 
overseas born, abs, filipino population
Source: Australian Bureau of Statistics
Ayon sa tala, halos kalahati ng populasyon ng bansa o 48.2% ay may magulang na ipinanganak sa ibang bansa habang 27.6% naman ang nagsabing ipinanganak sa ibayong dagat.  


Sa pahayag ni Dr David Gruen AO na isang Australian Statistician, ipinakikita anya ng data na ito kung paano nagbago ang bansa base sa mamamayan nito.  


“Every stat tells a story and today we are sharing a glimpse into the stories of almost 25.5 million Australians. This accurate and valuable data reveals who we are as a nation and how we have changed.” 


Lumabas sa data na malaki ang pagtaas ng bilang ng mga komunidad ng Nepal, India, Pakistan, Iraq at Pilipinas.  

filipino migration, abs, filpino migrants
Source: Australian Bureau of Statistics


Nanguna naman ang England na may 927,490 habang pumangalawa sa pwesto ang India na may 673,352. Pinakamalaking pagtaas ng bilang ang India na nagresulta sa pag-ungos nito sa China at New Zealand na sa ngayon ay nasa ikatatlo at ikaapat na pwesto.  Nanatiling panglima ang mga Pilipino na may bilang na 310,000 

Sa kabuuang bilang ng galing sa Pilipinas, mahigit dalawandaang libo (203,938) ang Australian Citizen. 

Ang limang nangungunang ancestry naman sa Australia ay English na may 33%, Australian 29.9%, irish 9.5%, Scottish 8.6% at Chinese 5.5%. 

Mahigit apatnaraang libo (408,842) naman ang nagsabing Filipino ang kanilang ancestry. 

Pinakamarami ay sa New South Wales sa bilang na 152,803 na sinundan ng Victoria na may na 95,186, Queensland na may 73,805, Western Australia na may 46,785, South Australia 21,257, Northern Territory na may 8,250, Australian Capital Territory, 7,293 at Tasmania na may 3,389. 
filipino migration, abs, filpino migrants
Source: Australian Bureau of Statistics


Mandarin naman ang pinakakaraniwang wika na gamit sa mga bahay sa Australia maliban sa Ingles kung saan may 685,274 ang nagsasalita ng Mandarin. Sinundan naman ito ng Arabic na may 367,159. 

Ang bilang naman ng nagsasalita ng mga wika sa Pilipinas, Tagalog ay 131,195, Filipino ay  90,853, Bisaya ay 6,406 Cebuano ay 4,732, Ilonggo (Hiligaynon) ay 1,148, Ilokano ay 841,  Pampangan ay 382 at Bikol ay 141.  
filipino migration, abs, filpino migrants
Source: Australian Bureau of Statistics

Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio, TJ Correa

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga Pilipino, ika-lima sa pinakamabilis ang paglago bilang cultural group sa Australia ayon sa Census 2021 | SBS Filipino