Mga pagbabago sa tatak ng pinagmulang bansa para sa mga pagkain, ipinatutupad sa buong Australya

Ang mga kamakailang pagbabago sa paraan ng paglalagay ng tatak sa mga pagkain sa mga pamilihan ay inihayag ng Pamahalaang Australya, ginagawang mas malinaw na malaman ng mga mamimili ang tatak ng bansang pinagmulan na nakalagay sa mga pagkain at produkto.

food labelling

food labels Source: Australian Government

Ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng kampanya ng Pamahalaang Turnbull upang tulungan ang mga mamimili at taga-konsumo upang mas mabilis na matukoy ang pinagmulan ng mga pagkain, at kung ilang porsyento ng mga sangkap nito ay may pinagmulang lokal o mula sa ibang bansa.

Ayon sa Ministro para sa Industriya, Inobasyon at Siyensya Arthur Sinodinos, idinesenyo ang kampanya upang magkaroon ng kamalayaan ang mga tao ukol sa bagong batas sa paglalagay ng tatak o label at kung paano ginagamit ang mga ito sa mga produktong pagkain.

"Maraming tao na ang nakapansin na ang mga bagong tatak ay nagsimula nang makita sa mga produkto sa mga pamilihan.  Ngayon ang tamang panahon upang ipaalam sa mga tao ang lahat ng tungkol dito," (Many people will have already noticed the new labels starting to appear on products in stores. Now is the perfect time to let people know what they're all about), ayon kay Senador Sinodinos.

"Sa susunod na limang linggo, makikita at mapapanood sa mga paanunsyo sa telebisyon at radyo, mga pahayagan, online at mga pamilihan, kung ano ang ibig sabihin ng mga bagong tatak o label na ito at kung saan maaaring makakakuha ng dagdag na mga impormasyon," (Over the next five weeks, advertising showing what the new labels mean and where people can find more information will run on television and radio, in newspapers, online and in shopping centres.)

Bilang dagdag sa mga ginagawang pag-anunsyo o advertising, magkakaroon din ng mga pagtatanghal nitong buong buwan ng Mayo  sa ilang piling pamilihan sa buong bansa.  Makakapag-uwi ang mga mamimili ng mga impormasyon na nagpapaliwanag sa mga bagong tatak o label.

Sinabi ni Deputy Prime Minister at Minister for Agriculture and Water Resources Barnaby Joyce ang mga bagong tatak ay makikita sa mga pagkain at mga produkto sa Australya bilang resulta ng mga pagbabago sa regulasyon sa tatak o etiketa ng bansang pinagmulan.

"Hanggang sa ngayon, ang impormasyon ukol sa tatak ng bansang pinagmulan para sa mga pagkain ay hindi magkakapareho at nakakalito. Ang mga repormang ito ay binabago iyon, at ngayon makikita ng publiko kung gaano bahagi ng isang produkto ay nagmula sa Australya," (Until now, country of origin labelling information for food has been inconsistent and confusing. These reforms change that, and the Australian public will now be able to see how much of a product comes from Australia), dagdag ni Ministro Joyce.

Ang mga bagong patakaran kaugnay ng tatak ng bansang pinagmulan (country of origin) ay idinisenyo upang mapakita sa mga taga-konsumo kung saan tumubo, inani, ginawa o binalot ang produkto.  Makikita sa mga tatak ang porsyento ng mga sangkap mula Australiya.

Nagsimula ang mga reporma noong unang araw ng Hulyo 2016. May dalawang taon na panahon ng transisyon bago maging kinakailangan o sapilitan ang mga bagong batas sa unang araw ng Hulyo 2018.

Halimbawa, ang isang imported na produkto ay hindi maaaring sabihin na ito ay gawa sa Australya o ‘Made in Australia’ kung maliit lamang na bahagi nito ang prinoseso, tulad ng paghiwa, paglalagay sa lata, pagdurug, binago o muling pinakete o ni-repack sa Australia.

Ang tatak ng pagkain sa Australya ay mas nagiging malinaw

Karamihan ng mga pagkain na nagmula, itinanim o ginawa sa Australya ay magkakaroon ng logo na larawan ng kangaroo.

Ang porsyento ng sangkap na Australyano ay ilalagay sa pamamagitan ng mga salita o isang bar chart.

Ang mga pagkain na pinakete sa Australya ay magtatampok lamang ng isang bar chart na nagpapakita ng porsyento ng mga sangkap na mula Australya.

'Grown in'    Para sa pagkain na lahat ng sangkap ay tumubo o mula sa Australya
food labels
(Australian Government) Source: Australian Government
'Product of'    Para sa pagkain na lahat ng sangkap ay mula Australya at lahat ng pangunahing proseso ay ginawa sa Australya.
food labels
(Australian Government) Source: Australian Government
 'Made in'    Para sa pagkain na ang mga sangkap ay mula Australya o sa ibang bansa at ang mga pangunahing proseso ay ginawa dito.
food labels
(Australian Government) Source: Australian Government
'Packed in'    Nagtatampok lamang ng isang bar chart na nagpapakita ng porsyento ng sangkap na Australyano.
food labels
(Australian Government) Source: Australian Government
Lahat ng inangkat na pagkain na itinanim, ginawa, tumubo o ipinake sa labas ng Australya ay kailangang magpakita ng bansang pinagmula sa tatak o label nito.
food labels
(Australian Government) Source: Australian Government

Mga pagkain na hindi magkakaroon ng tatak o label

Ang mga bagong label ay ipapatupad sa ilang hanay ng pagkain na mabibili ng tingi sa Australya, kung saan hindi kasama ang mga pagkain na ibinibenta sa mga restawran, kapihan, mga take-away shop o mga paaralan.

Ilang mga pagkaing tini-tingi ay hindi kinakailangang gumamit ng logo ng kangaroo o magpakita ng porsyento ng Australyanong sangkap.  Ang mga pagkaing ito ay:


  • mga rekado o pampalasa
  • mga kendi at pagkaing matamis (confectionery)
  • mga biskwit at miryenda (snack food)
  • mga nakaboteng tubig (bottled water)
  • mga soft drink at sports drinks
  • tsa-a at kape
  • mga inuming alkohol.
Ang mga pagkaing ito ay magsasabi pa rin ng bansa kung saan itinanim, nagmula, ginawa o ipinake.  Maaari din nilang boluntaryong gamitin ang mga bagong tatak o label.

Kailangang baguhin ng mga negosyo ang kanilang mga tatak o label

Ang mga negosyo ng pagkain ay gagamitin ang pinaka-naaangkop na tatak o label para sa bawat isang produkto nila, tinitiyak na kayo ay maaaring gumawa ng mga matatalinong desisyon tungkol sa pagkaing inyong binibili.

Ang mga negosyo ay bibigyan ng impormasyon at gabay upang makatulong na masiguro na ang mga tatak o label ay tumpak na naglalarawan sa pagkain.

Para sa mga dagdag na impormasyon para sa mga mamimili magtungo sa www.foodlabels.industry.gov.au.

Kayo ba ay nagbebenta ng pagkain sa Australya?

    Alamin kung anong ibig sabihin ng mga bagong tatak o label ng bansang pinagmulan (country of origin labels)         

para sa inyong  negosyo sa: business.gov.au/foodlabels


 

 


Share

Published

Updated

By Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga pagbabago sa tatak ng pinagmulang bansa para sa mga pagkain, ipinatutupad sa buong Australya | SBS Filipino