Kakailanganin nang mag-sumite ng kanilang unang Taxable Payments Annual Report (TPAR) ang mga may negosyong cleaning at courier sa darating na ika-28 Agosto 2019, na itinakda ng Australian Taxation Office (ATO).
Simula pa noong 2012, nagsusumite na ang mga nasa industriya ng building at construction. At para sa mga may na negosyo na cleaning at courier, ito ay ang unang taon na kinakailangan nilang magsumite ng report, sabi ni ATO Assistant Commissioner Peter Holt.
“Payments made to contractors or subcontractors who have provided cleaning or courier services on behalf of businesses in these industries in the 2018–19 financial year must be reported to the ATO – including cash payments,” sabi ni Mr Holt.
Para sa mga negosyong gumagamit ng mga kontraktor upang makapaghatid ng kanilang serbisyo (kahit na bahagi lamang ito ng mga serbisyong binibigay nila), maaaring kailanganin pa rin nila magsumite ng report kung ang ibinayad nila para sa serbisyo ay bumubuo ng 10% o higit pa sa kanilang kabuuang GST turnover.
Paano ito makakaapekto sa iyong negosyo
Gagamitin ng ATO ang mga datos na nkaalagay sa TPAR upang matuklasan kung may mga kontraktor na hindi nagrereport ohindi nagbibigay ng tamang report, hindi nagsusumite ng tax return o activity statements, hindi nag-register ng GST, o gumagamit ng maling ABN.
“TPRS prevented $2.7 billion from being lost to the black economy in the 2015–16 financial year, so it’s a very effective way for us to tackle the black economy and keep things fair for businesses who we know are doing the right thing.” sabi ni Mr Holt.
“Get it done on time so you don’t miss the deadline – TPAR is not optional and penalties may apply if you do not lodge by the due date,” dagdag nito.