Stage 4 restrictions ipinapatupad na sa Melbourne

Simula 6pm ng Agosto 2, ipapatupad ang Stage 4 restrictions sa Melbourne. Narito ang ilan sa mga pagbabago.

face masks, Melbourne, restrictions, COVID-19,

What are our rights and obligations when it comes to mask wearing? Source: AAP Image/Scott Barbour

Inanunsyo ng pamahalaang Victoria na isasailalim ang Melbourne sa Stage 4 restrictions. Ibig sabihin, kinakailangang mamalagi sa bahay sa susunod na anim na linggo at sundin ang mga bagong patakaran.

Curfew at Transport

  • Simula gabi ng Agosto 2, ipapatupad ang curfew kung saan may tatlong rason lamang para lumabas ng bahay: pagpasok sa trabaho, mag-alaga sa maysakit, at pagpapagamot.
  • Isususpinde pansamantala ang NIght Network, at mababawasan ang byahe ng mga public transport habang ipanapatupad ang curfew. 
Ehersisyo at Pamimili

  • Maaari lamang mag-ehersisyo sa loob ng isang oras kada araw at hindi ka dapat lalayo ng higit limang kilometro mula sa iyong bahay. 
  • Maaari ka lamang magsama ng isa pang tao sa pag-ehersisyo-magkasama man kayo sa bahay o hindi.
  • Isa lamang ang papayagang makalabas ng bahay para mamili kada araw at hindi ka maaaring lumayo o pumunta ng sa shopping centre na mas malayo sa limang kilometro mula sa bahay mo. 
  • Kung mas malayo sa limang kilometro, papayagan naman ito at kung wala kang mapag-iiwanan ngmga bata habang ikaw ay namimili, maaari mo silang isama. 
Paaralan

  • Babalik na sa remote at flexible learning ang mga estudyante - sa lahat ng year levels. 
  • Para sa mga batang pumapasok sa eskwelahan - kabilang dito ang mga nasa senior level at specialist schools - inaasahang papasok ang mga bata sa Lunes, magiging pupil-free sa Martes, at balik sa remote learning sa Miyerkules. 
  • May ilang papayagan na pumasok onsite subalit mas paiigtingin ang pagsunod sa mga patakaran. Ito ay para lamang sa mga estudyante na ang magulang ay kabilang sa permitted workers at mga bata na mas kinakailangan ng gabay sa pag-aaral at mahihirapan mag-aral sa bahay. 
  • Simula Huwebes, ipapatupad na rin ang mga bagong patakaran sa mga kinder at early childhood education services. 
Ang mga bagong patakarang ito ay ipapatupad hanggang Linggo, Agosto 13. 


Share

Published

Updated


Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Stage 4 restrictions ipinapatupad na sa Melbourne | SBS Filipino