NSW may dagdag ayuda para sa mga binaha, flood warnings nakataas pa rin sa ilang lugar

Scenes in Lismore, NSW, after the devastating floods during the weekend.

Scenes in Lismore, NSW, after the devastating floods during the weekend. Source: AAP Image/Jason O'Brien

Nagbigay na ng huling flood warnings ang Bureau of Meteorology sa nakalipas na 24 oras gawa ng paghupa ng mga baha sa Lower Hunter, Hawkesbury, Lachlan, Lower Weir, Lower Macintyre at Snowy rivers.

Ang mga tren sa Sydney ay pansamantalang papalitan ng mga bus.

Abiso ni Sydney Trains chief executive na si Matt Longland sa 2-G-B radio station na may mga ruta parin na may baha.


 

Magbibigay ng tulong pinansyal ang gobyernong pederal sa mga nasalanta ng baha sa Queensland at New South Wales.

Kasama sa tulong pinansyal na ito ang $1,000 recovery payment, na hanggang 13-linggong allowance, at $900 personal hardship support, kabilang narin ang mga grants para sa mga magsasaka at maliliit na negosyo.

Upang malaman ang ibat ibang suporta sa inyong lugar at mga hakbang sa pagkuha nito, bisitahin ang National Recovery and Resilience Agency.


 

Sa nakaraang dalawang linggo, pinayuhan ng State Emergency Services (SES) ang mga tao na lumikas sa mga mapiligrong lugar upang maiwasan ang isolation. 

Ilan sa mga abiso ay epektibo parin. Ang updated na mapa ng mga apektadong lugar sa Sydney ay makikita rito

Umiwas sa mga lugar na may baha, kasama man ang pamilya o mga kaibigan. Kung hindi ito maari, narito ang mga evacuation centres na maaaring puntahan.


Floodwaters instructions in English
Source: NSW Multicultural Health Communication Service

 

Maging updated sa mga pinakahuling forecast ng Bureau of Meteorology.

Tignan ang mga road closures sa Live Traffic NSW.

Alamin ang mga pinakahuling pagbabago sa NSW State Emergency Service website.

Kung ikaw ay nasa isang life-threatening emergency situation, tumawag sa Triple Zero (000). Tumawag naman sa NSW SES sa numerong 132 500 kung ikaw ay nakaranas ng pagkasira ng ari-arian mula sa mga bagyo, baha, malalakas na hangin at mga natumbang puno na maaring makadisgrasya ng tao o ari-arian. 

Share

Published

Updated

Presented by David Joshua Delos Reyes

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
NSW may dagdag ayuda para sa mga binaha, flood warnings nakataas pa rin sa ilang lugar | SBS Filipino