Noong Martes, ika-22 ng Agosto, dineklara ni Deputy State Coroner Elizabeth Ryan si Esmeraldo San Juan na namatay “in or near the waters of” o “roon o malapit sa karagatan ng” Snapper Point, Frazer Beach, Munmorah State Conservation Area, NSW,“ noong ika- “19 March 2016 or very soon afterwards”.
Dahil hindi matagpuan ang kanyang bangkay, sinabi ng Coroner “the cause and manner of Esmeraldo San Juan’s death remain unknown” o “ang dahilan at pamamaraan ng pagkamatay ni Esemeraldo San Juan ay mananatiling hindi alam”.
Si San Juan ay mahilig mangisda, at madalas niya itong gawin minsan sa isang linggo. Noong ika-19 ng Marso, sinabi niya sa kanyang de facto partner, siya ay mangingisdang magdamag ng gabi sa Snapper Point, halos kalahating oras na pagmamaneho mula sa kanilang tahanan.
Naabot niya ang kanyang destinasyon at binati ng kanyang kaibigan na Filipino-Australyano, Edmond Climacosa, na nangisda rin at tumigil na dahil sa malalakas na alon.
Nakita ni Climacosa, sa huling pagkakataon ang kanyang kaibigan na si San Juan “putting on an orange jacket with reflector stripes” o “nagsusuot ng orange na jacket na may reflector stripes.
Ayon sa kanyang partner, si San Juan ay kadalasa’y umuuwi alas diyes ng kina-umagahan. Subalit, sa pagkakataong iyon, hindi siya umuwi.
Ang lokal na pulisya ay naghanap alas 3 ng hapon noong 20 March, at nagsagawa ng mga search operation sa ilang mga araw pa.
Sa pagsisiyasat, sinabi ni Chief Inspector Rodney Peet of Tuggerah Lakes Area Command, “Since 2010 seventeen people have been swept into the water from the rocks around Snapper Point and have died. Around one in three of these bodies have not been recovered” o “mula noong 2010, 17 tao na nadala ng agos mula sa mga bato sa paligid ng Snapper Point ang namatay. At isa sa tatlong bangkay ay hindi nakukuha”.
Pagkatapos ng pagkawala, dalawang buto ng tao ang natagpuan ilang sa mga susunod na araw sa iba’t ibang petsa sa lugar, at tinanggap ng Coroner Court na ang mga butong ito ay kay Esmeraldo.
Si Esmeraldo San Juan ay ipinanganak noong 1974, at siya ay dumating sa Australya noong Mayo, 2012. Siya ay naging permanenteng residente noong 2015.
