Key Points
- Nangangamba ang awtoridad na maaring malampasan ng Murray River ang mga naitalang antas noong baha ng 1993
- Ayon sa BoM asahan ang pag-ulan at matinding pagkulog at kidlat sa Queensland, NSW at SA
- Nai-report sa Victoria ang ikalawang tao namatay bunga ng baha nitong huling pitong araw
Hiniling ng State Emergency Services sa New South Wales at Victoria sa mga residente sa ilang mga bayan nasa border ng Murray River na magbakwit bunga ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig.
Hiniling ng NSW SES sa mga residente ng Old Deniliquin Road, Barnes Road, Holmes Street, Warden Street, Council Street, Victoria Street, Moama Street at Cadell Street sa East Moama na magbakwit bago 5 pm ngayong araw (19 Oktubre).
"Kung di kayo aalis ngayon maaring ma-isolate o o magbaha sa inyong properrty ng ilang araw at di kayo mapuntahan ng emergency services para ma -rescue" ang pahayag.
Mayroong Evacuation centres sa Moama Pavilion sa Kirchhofer Street.
Hiniling ng Victoria SES sa mga residente sa mga bayan ng Barmah at Lower Moira mag magbakwit agad.
Nag set -up ang awtoridad ng Emergency Relief Centre sa Nathalia Community Sports Centre sa 42 Robertson Street.
Mayroon din na isyu na evacuation warning sa ilang bahagi ng Echuca at Echuca Village kinagabihan ng Martes.
Nangangamba ang awtoridad na ang Murray River, na dumadaloy sa hanganan ng NSW at Victoria bago makapasok ng South Australia, ay maraing lumampas sa naitalang antas noong baha ng taon 1993.
Naghayag ang Pamahalaan ng Victoria ng paunang pakete na $73.5 milyon upang suportahan ang mga magsasaka at mga small business na naapektuhan ng baha.
Ipinaabot naman ni Victorian Premier Daniel Andrews ang kanyang "taos pusong pakikiramay" sa mag-anak ng 65-taong-gulang na lalaki namatay sa baha sa Nathalia, hilagang kanluran ng Shepparton.
Ito ang ikalawang namatay sa pagbaha nitong huling pitong araw.
Ani Premier Andrews 423 kalsada at 74 paaralan ang isinara sa buong state. Mayroong 800 mga bahay ang walang kuryente.
Sinabi niya na 14 relief centres at 40 sandbag collection points ang kasalukuyang bukas sa state.
Hinihikayat ang mga residente na i-download ang VicEmergency app para sa pinakahuling update at impormasyon.
Mahigit sa 300 ADF personnel ang tumutulong sa emergency services sa Echuca, Shepparton, Rochester, Seymour, at sa greater Bendigo region.
Miyerkules nag isyu ng warning ang Bureau of Meteorology sa malawkang pag-ulan at matinding pagkulog at kidlat sa Queensland, malaking bahagi ng inland New South Wales at silangang bahagi ng South Australia.
Maging updated sa pinaka-huling forecast mula
Sundan a ng mga pagbabago mula sa
Kung nasa panganib ang inyong buhay , tumawag sa Triple Zero (000). Tawagan ang NSW SES sa 132 500 at Victoria Emergency Services sa 1800 226 226 kung napinasala ang inyong lugar ng bagyo, hangin, hail o natumbang puno o may natumbang puno na inilagay sa panganib ang inyong bahay o kaligtsan ng tao.
Share
