Bago mag-2025, maari ng ma-access ng mga Australyano ang mga serbisyo ng pamahalaan gamit ang isang log-in. Sumasailalim ito sa plano ng pamahalaang gumawa ng "single digital identity".
Ayon kay Michael Keenan, ang minister na tagapamahala ng digital services, malaki ang mababawas nito sa harapang interaksyon.
"Think of it as a 100-point digital ID check that will unlock access to almost any government agency through a single portal such as a myGov account," saad ni Mr Keenan.
Hangarin ni Mr Keenan na maging lider ang Australya sa digital government, at ninanais niyang ma-access ng mga mamamayan halos lahat ng serbisyo online pagdating ng 2025.
Ipapaalam ni Mr Keenan ang buod ng plano sa National Press Club sa Canberra kung saan niya ipapahayag na hindi mainam ang pagkakaroon ng 30 log-in para ma-access ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Ayon sa kanya, plano niyang sabihin na "The old ways of doing things, like forcing our customers to do business with us over the counter, must be re-imagined and refined."
Sa ilalim ng bagong plano, isang beses lang kinakailangang gumawa ng digital identity ang mga user upang magamit ang mga serbisyo online.
Ang una sa mga programang gagamit ng bersyong "beta" na papangalanang myGovID ay magsisimula sa Oktubre.
Sa unang pagsubok, maaring mag-apply ang 100,000 na indibwal para sa tax file number nila online. Ayon kay Mr Keenan, mababawasan ang panahon ng pagproseso sa iisang araw lamang. Sa ngayon, umaabot ng isang buwan ang proseso.
Magkakaroon uli ng pagsubok sa Marso ng susunod na taon kung kailan madudugtong ang mga serbisyo gaya ng student identification at Centrelink sa digital identity ng mga user.
At mula Marso 2019, maari ng magamit ng 100,000 na tao ang kanilang digital identity upang gumawa ng My Health Record online.
Ayon kay Mr Keenan, ang mga harapang interaksyon at over-the-counter na transaksyon ay kararniwang naghahalagang $17 upang iproseso, ngunit ang online na transaksyon ay naghahalaga ng 40 sentimo lamang.
Ang Human Services department ang pumapalagitna sa mga tagapagbigay ng serbisyo at mga user.
"This is key to protecting privacy, as the exchange will act as a double blind - service providers will not see any of the user's ID information and identity providers will not know what services each user is accessing," ayon kay Mr Keenan.
BASAHIN DIN
