Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

‘Over to you, Barnaby’: Hinihikayat ng mga Nationals si Joyce na Liwanagin ang Kanyang Mga Plano sa Pulitika

Lumalala ang hinaharap na puwersa ni Barnaby Joyce mula sa National Party na liwanagin ang kinabukasan niya sa pulitika.

Screenshot from the Sunday Night interview of Vikki Campion and Barnaby Joyce

Screenshot from the Sunday Night interview of Vikki Campion and Barnaby Joyce Source: Seven Network

Idiniin ng isang backbench na Nationals MP na kinakailangan ng gumawa ng “crucial decision” ng kanilang dating lider na si Barnaby Joyce kung tututol man ito o hindi sa kanyang posisyon sa New England nitong darating na halalang pederal na maaring mangyari nitong taon.

Iginiit ni Nationals MP Ken O’Dowd, isa sa mga nauna sa kanilang partido na kumwestiyon sa pagiging lider ni Ginoong Joyce, na kinakailangan pag-isipan na ng dating deputy prime minister and kanyang kinakabusan sa pulitika.

Ayon sa panayam ni Mr. O’Dowd sa ABC Radio noong Martes, "Over to you, Barnaby, and best of luck with whatever you decide."

Ang mga komento ay nailahad pagkatapos inusisa ng National Party ang mga pahayag ni Ginoong Joyce sa isang esplosibong panayam sa Channel Seven noong katapusan ng nakaraang linggo. Kasama rin sa panayam ang kanyang kasintahan at dating empleado na si Vikki Canpion at ang kanilang bagong silang na anak.

Inakusahan ng dalawa ang mga di pinangalanang “conservatives” sa parliyamento ng pagpuwersa kay Binibining Campion na magpalaglag.

Tinawag ni Ginoong Joyce na “scum of the earth people” ang iba niyang mga kasamahan.

Ayon kay Veterans affairs minister na si Darren Chester, isa ring Nationals MP, ang naganap na panayam ay isang “soap-opera”.

“I don’t think name-calling achieves anything in public life,” ayon sa kanya.

Sa huli, ang mga miyembro ng Nationals na nasa upuan ng New England din ang magdedesisyon ukol sa pagpili sa simula ng kandidato para sa darating na halalan.

Kinumpirma ni Dating Nationals lider na si John Anderson, na naging deputy prime minister sa ilalim ni John Howard, na hinihikayat siya ng ibang miyembro ng partido na magbalik-pulitika.

Sa panayam niya sa Australian, sinabi ni Ginoong Anderson na hindi niya iniisip na ang mga paghimok na ito ay “serious proposals”, ngunit sinabi niyang posible rin siyang tumakbo ng pangalawang beses sa halalang pederal.

Inudyok niyang bumaba na si Ginoong Joyce sa kanyang panunungkulan alang-alang sa kanyang bagong anak na lalaki na si Sebastian.

“I would gently encourage Barnaby and Vikki to think very carefully about [Sebastian’s] best interests, to the point of considering whether they are properly served while his father is in public life,” sinabi niya sa diyaryo.

Sa kabila ng mga negatibong komento, mayroon ding mga sumusuporta kay Ginoong Joyce sa Coalition.

Ayon kay Dating Prime Minister na si Tony Abbott, may maibibigay pa si Ginoong Joyce sa kanyang pampublikong buhay.

Ayon din kay Nationals MP George Christensen, ang kanyang kasamahan “still has a great deal to contribute to the nation”.


3 min read

Published

By James Elton-Pym

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now