Mahigit sa limang milyong tao ang nabigyan ng pagkamamamayang Australyano mula pa noong taong 1949.
Ang panghuling pangunahing hakbang ay ang seremonya ng pagkamamamayan kung saan ang mga tao ay nangangako ng kanilang katapatan, at tinatanggap ang mga karapatan at tungkulin bilang isang Australyano.
Permanenteng Paninirahan
Si Ruby Fowdar ay isang migration agent mula sa Australian Immigration Agency sa Brisbane.

Australian citizenship recipients Monika & Manish Tripathi & their 3 mth-old daughter Sahna pose for a photo before a citizenship ceremony on Australia Day 2017 Source: AAP
Ipinaliwanag niya na ang unang kailangan sa pagkamamamayan ng Australya ay ang pag-tiyak na ikaw ay karapat-dapat na mag-aplay.
"Ang unang kinakailangan para sa mga migrante ay maging permanenteng residente muna," (“The requirement for migrants is that they become permanent resident first,”) sabi ni Fowdar.
"Kahit na ikaw ay nasa Australya sa ilang iba't ibang visa, tulad ng student visa o work visa, hindi ito itinuturing na permanent residency visa." (“Even if you are in Australia on a few different visas, like a student visa or a work visa, it is not considered as a permanent residency visa.")
"Kaya kailangang maging isang permanenteng residente muna upang maging isang mamamayan."
"At kapag permanenteng naninirahan na at nanirahan sa Australya sa loob ng apat na taon, at naging isang permanenteng residente sa loob ng isang taon, sila ay maaaari nang maging karapat-dapat na mamamayan."
Panahon ng pagpo-proseso ng aplikasyon

A family displays their citizenship certificates at a ceremony in 2011. Source: DIAC
Ayon kay Damien Kilner mula sa Family and Citizenship Program ng Kagawaran, para sa karamihan sa mga aplikante, ang karaniwang panahon ng pag-proseso para sa pagkamamamayan ay 14 na buwan.
Pagsusulit sa Pagkamamamayan
Ang mga aplikante ay dapat ding pumasa sa pagsubok ng pagkamamamayan ng Australya upang ipakita ang kanilang kaalaman tungkol sa Australya at pag-unawa sa mga pribilehiyo at responsibilidad bilang isang mamamayan.
"Ito'y tunay na pagtingin sa: kung ikaw ba ay may sapat na kaalaman sa pangunahing antas ng Ingles?" (“It’s really looking at: have you got a basic level of English?”) ayon kay Damien Kilner.

An Australian citizenship recipient displays his certificate during an citizenship ceremony on Australia Day in Brisbane, Thursday, Jan. 26, 2017 Source: AAP
“Ang pag-upo sa harap ng isang computer system at kumuha ng pagsusulit, na isang tuwirang proseso, ay karaniwang aabutin ng nasa kalahating oras".
Ang pagsusulit sa pagkamamamayan na naglalaman ng 20-katanungan na may mga pagpipilian ay batay sa isang online booklet ang ‘Australian Citizenship – Our Common Bond’ na isang pangkalahatang-ideya ng Australya, ang mga demokratikong paniniwala nito, mga karapatan, gobyerno at batas.
"Inaasahan na tingnan at pag-aralan ng mga tao na tingnan ang mga materyales na ito bilang paghahanda at pagkatapos ay maaari na silang umupo sa pagsusulit sa sandaling sila ay tiwala na makasagot na sila sa mga tanong."
Karamihan sa mga tao ay pumapasa sa pagsusulit na may nakapasang marka na 75 porsiyento. Sa taong 2014 hanggang 2015, 98.6 porsyento ng mga kumuha ng pagsusulit ay nakapasa.
Mga panukalang pagbabago sa mga batas ng pagkamamamayan

18 new Australian Citizens onstage during a citizenship ceremony in Hyde Park as part of Sydney's Australia day celebrations on January 26, 2009 Source: Getty Images AsiaPac
"Ipinahiwatig ng gobyerno ang ilang mga pagbabago," ayon kay Kilner. "At ang isa sa mga pagbabago na ipinahiwatig ay tatlong beses, at ikaw ay nabigo, mayroong panahon na hanggang dalawang taon bago ka maaaring muling bumalik at kumuha ng pagsusulit."
"Ngunit ito ay kung maipapasa ang panukalang batas na ito."
Ipinapanukala ng pamahalaan na ang mga aplikante ay umupo sa isang hiwalay na pagsusulit sa wikang Ingles upang patunayan na sila ay may "kakayahan (competent)" na antas ng pagbabasa, pagsulat, pakikinig at pagsasalita, na katumbas ng antas sa IELTS na 5.0.
Ang mga taong may edad na mahigit sa 60, mga batang wala pang 16 taong gulang, mga may kapansanan sa pandinig, pagsasalita o paningin, at mga taong may pisikal o mental na kawalang-kakayahan, ay hindi kinakailangang umupo sa pagsubok.
"Kaya, ang isang tao ay uupo na tulad ng ginagawa nila ngayon sa mga tuntunin ng kinalabasan ng migrasyon na nag-aaplay para sa skilled visa o student visa kung saan ang wikang Ingles ay isang ipinag-uutos na kinakailangan sa mga tuntunin ng pagbibigay ng katibayan ng kanilang kakayahan," sabi ni Kilner.

Dr. Jamiu Ogunbanwo from Nigeria holds his certificate after an Australia Day citizenship ceremony in Melbourne, Friday Jan. 26, 2007. Source: AAP
Ang isa pang malaking pagbabago na maaaring magkabisa mula nitong Hulyo ay ang pagpapahaba ng kinakailangang panahon ng pagiging permanenteng residente mula isa ay gagawing apat na taon, batay sa kung maipapasa ang batas.
"Kaya, ang pamahalaan ay nagsagawa ng isang pagrepaso sa mga tuntunin ng pangkalahatang batas ng pagkamamamayan na bumubuo sa batayan ng panukalang batas na inihain sa harap ng parlyamento noong nakaraang taon," paliwanag ni Kilner.
"Kaya, sa puntong ito, kami ay nagpapatuloy sa batayan na ang batas ay nasa hapag ng parlyamento, at pagkatapos kung ito ay pumasa, iyon ay sasailalim sa kung ano papasa sa parlyamento."
Find out more:

Will Australian citizenship requirements change in 2018?
Panunumpa ng Pagkamamamayan

Two women raise their hands to take the pledge during an Australia Day citizenship ceremony in the city of Waneroo, in Perth's north, Thursday, Jan. 26, 2017. Source: AAP
Mayroong dalawang bersyon ng Panunumpa, ang isa ay may pag-banggit sa Diyos, at ang isa ay wala.
"Ang panunumpa ay isang bahagi ng pangangako bilang ang panghuling hakbang sa opisyal na pagiging isang mamamayan ng Australya," dagdag ni Damien Kilner ng Department of Home Affairs.
"Kaya para sa karamihan ng mga tao, kinakailangan na sila ay nanumpa at maipakita nila ang kanilang katapatan sa Australya at tanggapin ang responsibilidad at mga pribilehiyo ng pagiging mamamayan ng Australya.
"Ito ay nagpapahiwatig din ng pangako ng isang tao na maging aktibong miyembro ng ating lipunan."
Seremonya ng Pagkamamamayan

Shaun Taruvinga with his certificate at the Citizenship Ceremony on January 26, 2015 in Canberra, Australia. Source: Getty Images AsiaPac
Karamihan sa mga seremonya ay ginaganap ng mga konseho ng lungsod, sa pangkalahatan ay tumatagal sa pagitan ng isang oras hanggang dalawang oras.
Karaniwang tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan para sa mga aplikante na imbitahan sa isang seremonya kapag naaprubahan ang kanilang aplikasyon.
"Ang alkalde o lord mayor o isang punong ehekutibong opisyal ng konseho, ang namumunong opisyal, ay kinakailangang basahin ang paunang salita, na tinukoy sa loob ng Batas ng Pagkamamamayan, na nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa lahat ng mga dumadalo sa mga seremonya ng pagkamamamayan," paliwanag Kilner.
"Mayroon ding isang 'maligayang pagdating sa bansa (welcome to the nation)' o 'maligayang pagdating sa bansa (welcome to country)', at ang mensahe ng ministro ay binabasa, inaawit ang pambansang awit, at pagkatapos ay ang panunumpa."

Prime Minister Tony Abbott gives Citizenship certificates to the Taruvinga family from Zimbabwe at a Citizenship Ceremony on Jan 26, 2015 in Canberra, Australia Source: Getty Images AsiaPac
Ang mga magiging mamamayan ay kailangang magdala ng kanilang personal na pagkakakilanlan upang dumalo sa seremonya.
"Ang inaasahan ay kapag ang isang tao ay dumating para sa seremonya, susuriin ng Konseho o mga kawani ang pagkakakilanlan ng taong dumadalo upang mapatunayan ang kanilang pagkakakilanlan," ayon kay Kilner.
"Kaya, ang karamihan ng mga tao ay dala-dala ang kanilang lisensya sa pagmamaneho o kanilang pasaporte."
Si Ruby Fowdar ay nag-aral at nagtrabaho sa rehiyonal na Queensland bago binigyan ng pagkamamamayan.

A family attend an Australia Day Citizenship Ceremony in 2011 Source: DIAC via Wikimedia Commons
"Sa totoo lang, ginawa ang seremonya ng pagkamamamayan ko sa Araw ng Australia, nais kong gawin ito sa araw ng Australya, ika-26 ng Enero," sabi ni Fowdar.
"Tunay na ipinagmamalaki ko ang sandaling ito, tinawag ang pangalan ko at binigyan nila ng sertipiko na nagsasabing, ikaw ay mamamayan ng Australya, nabibilang ka sa kahanga-hangang komunidad na ito ngayon."

Australian citizenship recipients and their guests attend a citizenship ceremony on Australia Day in Brisbane, Thursday, Jan. 26, 2017. Source: Dan Peled - AAP
Mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon:
Para sa iba pang impormasyon sa kung paano maging isang mamamayang Australyano, bisitahin ang:
Para sa mga nangangailangan ng tulong sa wika, maaaring tumawag sa Translating and Interpreting Service (TIS) sa 131 450.