Nagawa ng Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang isang knockout na panalo laban sa Argentinian fighter Lucas Matthysse sa Malaysia, ang kanyang unang knock-out na panalo sa loob ng halos isang dekada.
Sa kanyang unang laban mula nang matalo mula kay Jeff Horn sa Brisbane noong Hulyo ng nakaraang taon, nakuha ni Pacquiao ang World Boxing Association's welterweight title sa laban na ginanap sa Axiata Arena stadium sa Kuala Lumpur nitong araw ng Linggo.
Na-knock out niya ang 35-taong-gulang na si Matthysse sa ikapitong round, kasunod ng pinagsamang ilang pagsuntok.
Bago iyon, ang 39-na-taong-gulang na senador ay nakagawa rin pag-knockdown o napabagsak ang kalaban sa ikatlo at ikalimang round, na lubos na ikinatuwa ng libo-libong Pilipinomg taga-suporta na nanonood sa stadium.
Ang knockout na panalo ang una simula nang taong 2009 nang mapatigil ni Pacquiao si Miguel Cotto.
Ito rin ang kanyang ika-60 panalo sa kanyang propesyonal na karera.
Kabilang sa mga manonood sa Kuala Lumpur, ang Punung Ministo ng Malaysia Mahathir Mohamad at Pangulo ng Pilipinas Rodrigo Duterte, na magkatabi sa upuan, at iba pang mga matataas na opisyal ng gobyerno mula sa dalawang bansa.