Key Points
- Tumaas ang interest rate ng 50 basis points habang sinusubukan ng Reserve Bank na pabagalin ang pagtaas ng inflation, naiipit ang gobyerno habang sinisikap nitong magbigay katiyakan para sa mga sambahayan.
- Agarang pag-aksyon ang hiling ng Oposisyon.
- Naghahanda ang gobyerno para sa badyet sa Oktubre, kung saan kasama dito ang mga polisa nito patungkol sa childcare, energy investment, at training, umaasa na makapagbigay ng pangmatagalang tulong sa mga pamilya at mga negosyo.
Ipinipilit naman ng Oposisyon na dagdagan ang pag-aksyon para mapagaan ang mga pangunahing bayarin. Pormal na ini-anunsyo nito na boboto ito kontra sa panukala ng gobyerno na batas sa klima.