Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Pamahalaan tinatalakay ang mga planong maingat na pagsusuri sa proseso ng sistema ng “permanent skilled migration”: ulat

Pinag-aaralan ng Pederal na pamahalaan ang planong magbibigay-daan sa radikal na pagbabago sa sistema ng tinatawag na permanent skilled migration ng Australia na nagpapanukalang magpakilala ng sapilitang ‘provisional visa’ bago ipagkaloob sa isang migrante ang permanent resident’s visa.

Peter Dutton and Malcolm Turnbull
Source: AAP
Na-access ng Fairfax Media ang mga dokumentong minarkahan bilang “sensitive” at “protected” na iniksamin ng komite ng pambansang seguridad ilang buwan na ang nakararaan at inaasahang ihaharap sa gabinete sa unang bahagi ng susunod na taon.

Isa sa mga layunin ng panukala ay upang matamo ang mga pagtitipid sa badyet sa pamamagitan ng paglilimita ng access sa mga kabayaran mula sa social security para sa bagong dating na mga migrante.

Gayunpaman, may mga pangamba na ang panukalang plano ay maaaring maglikha ng dibisyon sa lipunan ng Australia.

“Maaaring maliitin ng panukalang mga reporma ang pagkakaisa ng lipunan ng Australia at malamang na madagdagan ang mga dahilan ng panganib na maaaring mauwi sa marahas na ekstremismo sa pamamagitan ng paglilikha ng dalawang-bahagdang lipunan kung saan ang mga migrante ay tinatrato sa kabuuan na kakaiba sa mga mamamayang Australiano,” ayon sa isang inihandang discussion paper para sa isang pulong sa pagitan ng boss ng DIBP, Michael Pezzullo at ng kaniyang counterpart sa Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan.

Sinasabi rin sa discussion paper na ang pagtrato sa mga migrante nang may paghihinala ay maaaring makaapekto sa kanilang pagiging handang mag-ambag  sa lipunan ng Australia.

Sinabi rin sa nasabing dokumento na ang paghihigpit sa pag-access sa mga kabayaran mula sa social security ng mga may hawak na  provisional visa ay magiging salungat sa pambansang mga obligasyon ng Australia sa bulnerableng mga migrante.

Isinasaad din sa discussion paper na maaaring hindi maging popular sa komunidad ang panukala sa dahilang isa sa bawat dalawang Australiano ay alinman sa ipinanganak sa ibayong dagat o may isang magulang na ipinanganak sa labas ng Australia. 

Sinabi ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan na ayon sa discussion paper  napakalaki ng magiging gastos para sa mga pagbabagong ito at hindi magiging malaki ang matitipid tulad ng inaasahan ng DIBP.

Binatikos ng Partido Greens ng Australia ang pamahalaan sa pagtatangkang pagsamantalahan ang "takot at dibisyon" sa komunidad. 

"Ang nakikita natin ay isang ministro ng imigrasyon na nagtatangkang pagsamantalahan ang takot at dibisyon sa loob ng ating komunidad, ginagamit ang usapin ng lahi sa panahong kailangan natin ang pagkakaisa," pahayag ng lider ng Greens, Richard Di Natale sa mga mamamahayag sa Canberra.

Para sa karagdagang balita at mga update, sundan ang SBS Filipino sa Facebook.

 

Iba pang mahalagang impormasyon

 

 

 

citizenship.jpeg?itok=qlG9aeSr&mtime=1480333533

New, tougher Australian citizenship test on its way

The new test is likely to ask questions about the applicant's employment history, whether their spouse is attending English lessons and whether their children are going to school.

 

 

12095_visa_australia.jpg?itok=ZCy6n1qD&mtime=1479706842

Want to get a family member to Australia? These changes may affect you

The changes will apply to permanent visa subclasses. Some temporary and provisional visa subclasses will also be affected.

 

 

cancelled_visa.jpg?itok=jSKtpHek&mtime=1477009124

Australia cancels 60,000 visas in 2015-16

The Department of Immigration and Border Protection has also informed the senate estimates committee that a new 10-year multiple entry visa will be available by the end of the year.

 

 

site_197_Arabic_545055.JPG?itok=7GjGZnRY&mtime=1473571635

Australia announces an important change to points test for skilled migration

The changes have come into effect on 10th September with the Department of Immigration also announcing a new visa for entrepreneurs.

 

 

1_australia_visa_gettyimages.jpg?itok=XiweMmgC&mtime=1472618570

New law to stop offenders from sponsoring family visas

Under the proposed law the sponsors will be scrutinised before visas are issued and those who don't properly assist the new arrivals will be punished.

 

 

visa_6.jpeg?itok=SwzkKTpE&mtime=1470710693

Over 50 occupations may be dropped from Australia's Skilled Occupation List

The Department of Education and Training provides advice to the Minister of Immigration and Border Protection on the composition of the SOL.

 

 

 


4 min read

Published

Updated

By Shamsher Kainth

Presented by Christie Rivera

Source: Fairfax Media


Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now