Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

PH Senator binatikos sa kanyang suhestiyon na palitan ang lyrics ng pambansang awit

May ilang hindi natuwa sa ideya ng senador at nagsabing dapat pagtuunan ng pansin ng Senado ang mga kasalukuyang isyu na hinaharap ng bansa.

Sen. Tito Sotto

Source: Gregorio B.Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket via Getty Images

Iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III kamakailan na palitan ang huling linya ng pamabansang awit ng Pilipinas noong Martes. 

Ayon sa senador, ang huling linya ng pambansang awit na nagsasabing "Aming ligaya na pag may nang-aapi, ang mamatay ng dahil sayo" ay dapat na palitan ng "ang ipaglaban ang kalayaan mo."

May mga taong hindi nagustuhan ang ideya ng senador at nagsabing mas marami pang isyu ang dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pambansang awit.

Sinagot ng mambabatas ang kanyang mga kritiko sa Twitter at nagsabing hindi niya pagpipilitan ang kanyang suhestyon.

Ang pambansang awit ng Pilipinas ay binuo ni Julian Felipe noong 1898. Ang orihinal na lyrics ay galing sa tulang Espanyol na isinalin sa Filipino noong 1940s. Ang kasalukuyang bersyon ay unang kinanta noong Mayo 1956.

Follow SBS Filipino on Facebook

 

 

 


1 min read

Published

By Roda Masinag



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now