MANILA, Aug 1 (Reuters) - Ang tanggapan ng pangulo ng Pilipinas ay nagpasyang i-dismiss ang deputy ombudsman dahilan sa pagbubunyag ng impormansyon tungkol sa isang inquiry sa diumano'y unexplained wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte, na sinasabing ang intensyon nito ay para siraan siya.
Si Arthur Carandang ay may pananagutan sa kasong graft at betrayal of public trust sa pagbubunyag sa publiko ng mga ebidensya tungkol sa unexplained wealth ni Duterte at ng kanyang pamilya, ayon sa 10-pahinang desisyon na ibinigay ni executive secretary Salvador Medialdea.
Ang imbestigasyon kay Duterte ng Office of the Ombudsman, isang independent na ahensya, ay sinegundahan ang reklamo ng isang kilalang senador na nagsabing si Duterte ay nakakuha ng higit sa 2.2 bilyong piso ($41.5 milyon) noong siya ay naupong alkalde ng lungsod.
Itinatanggi naman ito ni Duterte.
Ang imbestigasyon na natapos noong Nobyembre noong nakaraang taon, ay nag-resulta ng sunod-sunod na pagkagalit ni Duterte sa Ombudsman.
Si Carandang ay natanggal sa serbisyo dahilan sa siya ay "guilty of manifest partiality" tungo kay Senador Antonio Trillanes, isang kilalang kritiko ni Duterte, na may intensyon na magsiwalat ng impormasyon "na makakasasama sa pangulo", ayon sa desisyon ni Medialdea.
Ayon sa nabanggit na report mula sa Anti-Money Laundering Council, sinabi din Medialdea na ang mga bilang na inihain ni Carandang ay "false and misleading".
Walang agarang komento si Carandang tungkol sa pagpapaalis sa kanya. Si Carandang ay kabilang na ngayon sa listahan ng mga tao kasama ng mga pulitiko, aktibista, huko, madre, at ng dalawang United nations rapporteur na kumalaban kay Duterte at kinalaunan ay napaimbestigahan, na-dismiss, nakulong o napahiya sa publiko ng pangulo.
Nauna nang naiutos na ma-suspend si Carandang sa loob ng 90 araw, ngunit ito ay hindi pinagtuunan ng pansin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, na nagsabing ang pangulo ay walang jurisdiction.
Ang dismissal order ni Carandang ay inisyu noong Lunes, ilang araw lamang matapos magretiro ni Morales at napalitan ng dating hukom na hinirang ni Duterte.
Ang tagapagsalita ni Duterte, na si Harry Roque, ay nag-isyu ng pahayag na nagkukumpirma ng nasabing dismissal at sinabing ang kaso ay binigyan ng angkop na konsiderasyon.
(Reporting by Manuel Mogato; Editing by Martin Petty)
