Sumagot na naman si Pangulong Duterte sa kritikal na pahayag ng isang UN expert tungkol sa isyu ng pagpapatalsik kay Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno.
Pinasawalang-saysay ni Pangulong Rodrigo Duterte and mga sinabi ni Diego Garcia-Syan at nagpahayag sa kanyang talumpati noong Linggo na huwag makiaalam sa mga problema sa kanyang bansa at sinabihan pa ito na “go to hell.”
Ang mga kasamahan ni Sereno ay bumoto na tanggalin siya sa pwesto noong nakaraang buwan, matapos na bansagan siya ni Duterte na isang “kaaway” at hiniling ang kanyang madaliang pagpapatanggal sa pwesto.
"Tell him (Garcia-Sayan) not to interfere with the affairs of my country. He can go to hell," sinabi ni Duterte sa mga reporter sa Maynila, na may panggigiit na wala siyang kinalaman sa pagpapatalsik kay Sereno.
"He is not a special person and I do not recognise his rapporteur title."
Mapapanood sa video ng Inquirer.net ang komento ng Pangulong Duterte.
Si Duterte, 73, ay humarap na sa parehong isyu noong nakaraan—madalas ay gumagamit siya ng ‘less-than-parliamentary language’—sa kanyang mga kritiko sa inilunsad niyang gyera sa droga matapos siyang maupo bilang Presidente noong 2016.
Ang ilan sa kanyang mga kalaban ay naalis na sa pwesto, naparusahan, o nanganganib.
Sinabi ng pulisya na nasa 4,279 na suspek sa droga ang napatay nila kaugnay sa anti-narcotics na kampanya subalit ang paniwala ng mga rights group na ang aktwal na bilang ay tatlong beses pang mas mataas.
Si Sereno ay isa sa mga natitirang mga high-profile na kritiko hinggil sa kanyang kampanya sa droga.

Sinabi ng Un rapporteur Garcia-Sayan noong Biyernes ma amg mga pampublikong pagbabanta ni Duterte laban kay Sereno ay nagpahiwatag ng “chilling effect” sa kanyang mga kasamahan sa hudikatura.
"The use of such derogatory language... sends a clear message to all judges of the Philippines: in the so-called 'war on drugs', you're either with me or against me," sinabi ni Garcia-Sayan.
Via SBS News
