Nagbabala ang awtoridad ng Pilipinas sa mga baha at landslide sa silangang probinsya dahil sa isang tropical depression na inaasahang magdadala ng malakas na ulan bago ang Bagong Taon.
Ang tropical depression na pinangalanang Usman ay maaaring lumala bilang bagyo bago mag-landfall sa Eastern Samar province, 595 kilometro timog-silangan ng Manila, ayon sa weather bureau.
May 13,000 pasahero ang naipit sa mga daungang-dagat sa buong bansa habang sinuspende ng coast guard ang my lanstang serbisyo dahil sa masamang panahon.
Nagdala si Usman ng maximum sustained winds na 55km/h at bugso ng halos 65km/h. Ito ay gumagalaw ng 10km/h kanluran-hilaga-kanluran at inaasahang mag-landfall gabi ng Biyernes.
Nagbigay na ang weather bureau ng mga storm warnings sa mahigit 20 pang probinsya dahil sa tropical depression.
Halos 3.7 milyon katao ang nakatira sa daan ni Usman, ayon sa national disaster risk management agency.
"Moderate to heavy rains which may trigger flooding and landslides are expected," sabi ng weather bureau sa huling bulletin kung saan sinabi din nila na ang mga residente sa apektadong lugar "are advised to take appropriate measures".
Dagdag ng weather bureau na lalabas sa Pilipinas si Usman gabi ng Disyembre 30 o maaga ng Disyembre 31 na siyang magiging dahilan ng medyo basang selebrasyon ng Bagong Taon.
Kada taon ang Pilipinas ay tinatamaan ng halos 20 cyclones na dahilan ng mga pagbaha, landslide at ibang mga aksidente.
Isa sa pinakamalakas ay ang Typhoon Haiyan na tumama sa bansa Nobyembre 2013 at pumatay ng mahigit 6300 katao at nag-displace ng mahigit 4 milyon pang iba.
Share
